Skip to content

Pamilya ni BARON sawang-sawa na, malapit nang sumuko sa kahihiyan

December 22, 2012

baronBaka hindi na makaya ang sobrang sama ng loob

Isang source ang nagbulong sa amin sa konting-konti na lang at tuluyan nang huhulagpos ang napakahabang pasensiyang pinaiiral ng mismong pamilya ni Baron Geisler sa kanyang mga pinaggagagawa.

Kung maraming kababayan natin ang punumpuno na sa pinaiiral na kabastusan ni Baron kapag nasasayaran na ng alak ang kanyang lalamunan, ayon sa aming impormante ay ganu’n na rin ang nangyayari ngayon sa kanyang pamilya, mukhang malapit na ring maputol ang pisi ng pasensiya ng mga ito para sa walang kadala-dalang aktor.

“Puro kahihiyan ang ibinibigay ni Baron sa family niya.

‘Yung pangako niya nu’ng lumabas siya mula sa rehab na hinding-hindi na siya iinom pa para hindi siya nasasangkot sa away, hindi naman pala niya ‘yun totoong tinupad.

“Talagang ni hindi siya nagtangkang magbago, paglabas na paglabas pala niya, e, inom na agad ang inatupag niya! Wala talaga sa consciousness niya ang pagbabago, wala sa plano niya ‘yun!” simulang kuwento ng aming source.

Alam na nga ni Baron na alak ang naglalagay sa kanya sa alanganin, alam niya naman na kapag nalalasing siya ay nagmimistula siyang demonyo, pero bakit patuloy pa rin niyang ginagawa ‘yun?

“Itong ginawa niya kina Divine Lee, Edgar Allan Guzman at IC Mendoza.

‘Yun talaga ang hanap niya kapag naapektuhan na siya ng alak.

Talagang away ang hanap niya, gusto niyang makipag-away, napaka-war freak talaga niya kapag lasing na siya!”  madiin pang sabi ng aming impormante.

Walang ibang lulugaran ngayon ang kanyang pamilya kundi ang magdalang-hiya na lang para kay Baron, wala na silang mapagpilian, dahil nagasgas na ang kanilang dila sa pangangaral sa aktor ay patuloy pa rin ang kanyang pagbibisyo.

Sabi nga, sungay niya, sunong niya. Buntot niya, hila niya.

Si Baron Geisler ang unang dapat magmalasakit sa kanyang sarili at hindi ang publikong nakatanaw lang sa mga kahihiyang pinaggagagawa niya.

Hmph!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: