Skip to content

Hindi ahas si LOVI! – ROCCO NACINO

December 22, 2012

lovi poeIpinagtanggol sa akusasyong  mang-aagaw ng dyowa

IPINAGTANGGOL ni Rocco Nacino si Lovi Poe sa mga nagsasabing ahas daw ang Kapuso actress dahil inagaw raw nito ang aktor sa dati nitong girlfriend na si Sheena Halili.

Ayon kay Rocco, wala raw kasalanan si Lovi sa mga nangyari sa personal niyang buhay.

Magkasama sina Lovi at Rocco sa afternoon series ng GMA 7 na Yesterday’s Bride at sinasabing dito nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa na diumano’y siya namang dahilan kung bakit nagkasira sina Rocco at Sheena.

Pero depensa ni Rocco, “Walang kinalaman si Lovi du’n. Walang hiwalayan, hindi naman talaga naging kami ni Sheena.

Magkaibigan talaga kami ni Sheena. Everything is still the same naman.”

Sobrang busy daw kasi ng schedule niya ngayon, at malayo pa raw ang location ng taping nila para sa Yesterday’s Bride (sa Angeles City), kaya kapag dumarating daw sila ng Maynila ay nagpapahinga na lang siya kesa gumimik pa.“May trabaho pa ako, tapos I’ll go to the gym pa, so wala akong vacant time,” dagdag pa ng binata.

Inamin naman ni Rocco na lumalabas sila ng kanyang leading lady, “Umaalis kami.

Yun ang maganda du’n.

Sa work nagkikita kami, sa labas nagkikita rin kami, kaya lalo kaming nagiging close.

Dinner lang, kuwentuhan lang, minsan kami, pero mas madalas with friends.”

Espesyal daw si Lovi sa kanya pero sumusumpa siya na friends lang daw sila.

“I don’t know, naniniwala ako, whatever happens, happens.

Kung anuman ang mangyayari, hindi ko hawak ‘yun.

She’s special, of course, siya ang ka-partner ko sa soap, and we’ve been good friends for three years na.

“Ang maganda po, paganda nang paganda ang friendship namin, nakatulong yung show.

It’s great, always have a good time with her.

Ang gaan niyang katrabaho, ang gaan sa set,” paliwanag pa ni Rocco.

At siyempre, parehong maligaya ngayon sina Lovi at Rocco dahil as tinatamasang tagumpay ng kanilang serye na napapanood after at Eat Bulaga.

Marami pa raw dapat abangan ang manonood sa Yesterday’s Bride dahil ngayon pa lang daw nagsisimula ang mas exciting na mga tagpo, “Parang nae-excite ako itong week and next week, kasi sobrang daming pasabog next week.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: