Skip to content

BARON GEISLER nagpapagamot uli, inatake ng matinding depresyon

December 22, 2012

baron geislerBigla raw kasing iniwan ng kanyang dyowa

MULING sumasailalim ngayon sa isang “treatment” si Baron Geisler matapos nga itong masangkot na naman sa kontrobersiya dahil sa kanyang paglalasing – uli.

Ito ang kinumpirma ng kanyang manager na si Arnold Vegafria kahapon sa ginanap na thanksgiving/Christmas party ng talent management niyang ALV Talents Circuit para sa entertainment press.

Very positive naman si Arnold na very soon ay babalik muli sa normal ang kanyang alaga.

Nilinaw din niya na hindi naman talaga lasing o bangenge si Baron nang maganap ang kinasangkutan nitong insidente sa MVP Ball kamakailan kung saan nakaengkuwento nga nito si Edgar Allan Guzman at Divine Lee.

Sabi ng manager, hindi naman daw marami ang nainom no Baron that night, pero mabilis nga itong tinamaan dahil hindi na nga ito umiinom matapos nga siyang magpa-rehab. Ayon pa kay Arnold, talagang inatake ng sobrang depression si Baron matapos silang maghiwalay ng kanyang girlfriend.

“Siyempre, kahit naman sino kapag na-heartbroken, nade-depress talaga, tapos bipolar pa siya, so may chemical imbalance talaga once na uminom siya.

Tapos magpa-Pasko pa, kaya affected talaga siya, pero ngayon, nagti-treatment uli siya, siguro by next year, okay na okay na uli siya.”

Dagdag pa ng manager, nakausap na rin niya ang pamilya ni Baron at nag-decide sila na bigyan ang aktor ng chaperone na siyang makakasama nito sa mga parties at showbiz events, ito raw ang magbabantay sa aktor para masigurong hindi na ito iinom at tuluy-tuloy ang pag-take ng kanyang mga gamot.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: