Skip to content

Sa totoo lang , ayoko nang makasama si RAYVER! – CRISTINE

December 21, 2012

cristine reyesSa wakas umamin na rin sa tunay nilang relasyon

Derek Ramsay tinawag na ‘luku-luko’ ni Cristine

SI Cristine Reyes ang bagong endorser ng Calayan Surgi Center, makakasama na niya rito sina Mariel Rodriguez, Jake Cuenca, Billie Crawford, Luis Manzano, Ronnie Liang, Carlos Agassi, Ejay Falcon, Erik Santos, Rafael Rosell, Shirley Fuentes at marami pang iba.

Marami ang nagulat kung paano napasagot ni doc Manny ang sexy actress?

Nalaman namin na Starstruck days pa pala sila magkakilala ni Cristine.

“Hindi ko palang siya noon inalok kasi menor de edad pa at saka hindi pa siya conscious noon kasi bata pa,” say ni doc Manny.

“I don’t go kasi sa mga derma-derma noon, kasi bata pa ako,” sundot naman ni AA (palayaw ni Cristine).

At sa tanong kung ilang years ang kontrata ni Cristine sa Calayan, “Mga 15 years, lifetime! Ha-hahaha!” tumawang sabi ni doc Manny.“I drink a lot of water everyday, put lotion after bath,” sagot ni Cristine sa tanong kung paano niya naalagaan ang maganda niyang kutis.

Ang Calayan Surgi Center naman ang in-charge sa skin care at facial niya, “Kasi kailangan ko ‘yan kasi lagi kaming naka-make up sa work namin, protection. Ita-try ko rin ‘yung iba pang  treatment para mas maganda lalo sa TV.”

Samantala, muli naming kinumusta kay Cristine ang relasyon nila ni Rayver Cruz, balitang hiwalay na talaga sila ng aktor at hindi lang nila inaamin.

“Okay naman po kami, ano lang ‘yun, haka-haka lang ng ibang tao,” sagot niya sa amin.

Hindi na namin kinulit si Cristine dahil tiyak na hahaba pa ang usapan dahil ramdam namin na maski na anong pilit namin ay hindi talaga siya aamin sa break-up nila ni Rayver.

Mas naniniwala kasi kami na matagal nang naghiwalay ang dalawa base na rin sa kuwento ng aming very reliable source.

Ang tungkol na lang sa pagkakapasok ni Rayver sa seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng ABS ang tinanong namin sa kanya dahil balitang si Joross Gamboa ang dapat na gaganap sa role ng boyfriend niya pero ang balita pinatanggal daw ni Cristine si Joross.

“Ang role ni Rayver, sa kanya talaga ‘yun.

Ang role ni Joross, ang alam ko, ‘yung role ni Thou (Reyes), I think mas kailangan nila (production) ‘yung role ni Thou more than Joross.

So, hindi ko alam kung bakit ako nadamay sa isyu.

Ngayon lang ako magsasalita sa isyu, kaya, bakit naman ako nasabit diyan?

“At iyon din ang ikinakasama ng loob ko kasi nananahimik kaming dalawa, hindi naman kami package deal kasi usapan namin ni Rayver na last na ‘yung Reputasyon na magkatrabaho kami para naman mayroon kaming separate work, di ba?

“E, nagpaalam naman sa amin ‘yung unit ni sir Deo (Endrinal) kung puwede si Rayver.

Talagang nanindigan kami na ayaw na namin, sinabi namin kina sir Rondell (Lindayag) na ayaw na namin, ganyan-ganyan, e, ‘yun nga, nagi-insist sila at wala rin silang ibang mahanap for the character kundi si Rayver lang, so sino ba naman kami para kumontra, di ba?

Kaya hindi totoo talaga ‘yung sinasabi nilang pinatanggal ko si Joross,” paglilinaw ng dalaga.

“Wala ako sa posisyon na magpatanggal ng sinuman kasi bilang artista, masakit ‘yun,” diin pa ng aktres.

Sabi ng ilang katoto kay Cristine na mismong taga-production daw ang nagtsika sa kanila tungkol sa pagpapatanggal niya kay Joross.

“Siguro kung anuman ‘yung narinig nila, sana i-confirm ‘yun sa amin, sa Viva, kasi hindi kami ang type na ganu’n kahit tinatanong ako ni ate VR (Veronique del Rosario), sabi ko, ‘ate VR, ayoko ng ganu’n.’ wala talaga,” paliwanag pa ng dalaga.

Natanong din ang tungkol kay Derek Ramsay, nakita raw sila sa Pico de Loro, Nasugbu, Batangas sa pagitan ng Okt. 31 at Nob. 1, at wala raw si Rayver sa bansa that time dahil nasa series of shows ito para sa Kapamilya.

“Kasi that time, nandoon ako with my sister and friends, tapos si Derek nandoon siya with his family and friends.

Nagkita kami doon, so sa amin naman, okay lang makita kami together kasi wala naman kaming something, eh.

“And we still go out with friends din naman, kami nina Rayver at Derek,” paliwanag ng aktres.

Wala raw selos sa parte ni Rayver dahil magkakaibigan daw sila, “Hindi kasi lumalabas talaga kami, minsan pumupunta pa kami sa bahay ni Derek kasama si Rayver,” mabilis na depensa ni AA.

At naging madalas na raw silang lumalabas simula noong nagkasama sila ng aktor sa “No Other Woman”,

“Nagha-hang out na kami together kahit noong sila pa ni Angel (Angelica Panganiban), nagpupunta na kami sa bahay nila,

“Mas naging close ako kay Derek kasi luku-luko ‘yun, eh.

Tapos pag nagkikita kami ni Angelica, tsikahan din,” say pa ng sexy actress.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: