Skip to content

MAJA: Walang dahilan para mag-away kami ni KIM nang dahil sa lalaki!

December 21, 2012

maja salvadorPWEDE nga kayang mawasak ang pagkakaibigan nina Maja Salvador at Kim Chiu nang dahil lang sa lalaki?

Ganyan na kasi ang itinatakbo ng kuwento ng kanilang teleserye sa ABS-CBN na Ina Kapatid Anak sa Primetime Bida.

Sa ngayon napakaganda ng friendship ng dalawang Kapamilya actress, walang lovelife si Maja ngayon at consistent naman ang mga chika na matagal nang may relasyon sina Kim at ang ka-loveteam nito sa Ina Kapatid Anak na si Xian Lim, pero ayaw pa rin nila itong aminin sa publiko.

Tinanong ang dalawa kung posible bang magkagalit sila nang dahil lang sa pagmamahal nila sa isang lalaki, say ni Maja mukhang Malaya raw itong mangyari dahil solid na solid naman daw ang friendship nila ni Kim at ang cheap naman daw kung masisira ‘yun nang dahil lang sa isang guy.

Mas bibigyan daw siyempre niya ng bigat ang relasyon nila ni Kim.Say naman ni Kim, siya raw ‘yung tipo ng babae na hindi nagpapadalus-dalos pagdating sa boys, at kung alam naman daw niyang may sabit na ito, kaibigan man niya o hindi, agad-agad daw niyang lalayuan ang lalaking ‘yun.

Ibang klase na rin daw kasi ang nabuo nilang friendship ni Maja, at mas lalo pa raw itong tumindi dahil sa Ina Kapatid Anak.

Anyway, kung dati ay mag-BFF (best friends forever) nga sina Kim (Celyn) at Maja (Margaux) sa Ina Kapatid Anak, iba na ngayon.

Matapos na aksidenteng marinig ni Margaux ang pag-amin ng bestfriend niyang si Celyn ng lihim nitong pag-ibig sa boyfriend niyang si Ethan (Enchong Dee) ay agad na niyang tinapos ang lahat ng nag-uugnay sa kanila.

At katulad ng naganap sa pagkakaibigan nina Celyn at Margaux, nagsisimula na rin ang matinding sigalot sa pagitan ng mag-asawang Julio (Ariel Rivera) at Beatrice (Janice de Belen) dahil na rin sa pagiging abala ni Julio sa pagtulong sa kaibigan na si Teresa (Cherry Pie Picache) matapos nitong makumpirmang si Celyn nga ay kanyang anak.

Anong gagawin ni Margaux kapag nabuking nang ang kinamumuhian niyang dating kaibigan ay ang tunay palang anak ng mga kinikilala niyang magulang?

Paano tatanggapin ni Beatrice na kapwa itinago sa kanya ng kanyang ina (Pilar Pilapil) at asawa ang katotohanan tungkol sa nawawala niyang anak?

Napapanood pa rin ang Ina Kapatid Anak gabi-gabi, pagkatapos ng Princess And I sa ABS-CBN Primetime Bida.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: