Skip to content

Sobrang pumogi daw ako, kaya ang swerte-swerte ko! – ZANJOE

December 19, 2012

bea and zanjoeMula noong araw na sagutin siya ni Bea Alonzo

‘One More Try’ magiging lucky charm daw ni Zanjoe sa 2013

“MULA raw nu’ng maging girlfriend ko si Bey (Bea Alonzo) pumogi raw talaga ‘ko!”

Ito ang naging pahayag ni Zanjoe Marudo nang tanungin kung ano ang isang magandang bagay na nagawa ni Bea sa buhay niya.

In fairness, may bahid ng katotohanan ang sinabi ng isa sa mga bida ng pelikulang “One More Try” na official entry ng Star Cinema sa MMFF 2012 showing on Dec. 25.

Ibang-iba na nga ang aura ni Zanjoe, star na star na talaga, pero napapanatili niya ‘yung kanyang kasimplehan na siyang nagustuhan ng mga tao sa kanya mula pa noong sumali siya sa PBB Celebrity Edition.

“Ang dami ngang nagsasabi, pumogi ako nu’ng naging girlfriend ko siya, sabi nila ang swerte ko nga raw. Ha-hahaha! Hindi, si Bea kasi, mataas ang pangarap, kaya ang sarap na may kasama kang ganu’n na may pangarap sa buhay.

“So, kailangan mo siyang suportahan bilang boyfriend niya at pwede ka rin namang mangarap kasabay ng taong mahal mo.

Ako kasi simple lang talaga ako, okay na ako sa simpleng buhay, so nagma-match kaming dalawa.

Sabay kaming nangangarap,” paliwanag ni Zanjoe nang makapanayam ng ilang showbiz reporters sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic at Star Cinema.

Natutuwa rin si Zanjoe dahil ibang-iba raw ‘yung feeling na may isang babaeng nakaalalay lang lagi sa kanya, “Sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa buhay at career ko, unang-una si Bea na natutuwa, lalo na kapag may magagandang nangyayari sa akin.

Walang competition sa aming dalawa, hindi ko naman iniisip na kailangan kong maging magaling kasi magaling ang girlfriend ko, kasi magkaiba naman kami, babae siya, lalaki ako, ayoko namang magkaroon ng conflict sa aming dalawa, mas maganda ‘yung natututo kaming pareho.

“Parehas naman kasi kaming gustong mangyari sa buhay, like gusto naming maging magaling sa lahat ng ginagawa namin.

Hindi ko inisip na mas magaling sa kanya, ang kalaban ko naman sarili ko, hindi naman si Bey.

“Yes, nagko-comment kami sa mga trabaho namin, natural lang naman siguro ‘yun sa magkarelasyon, pero walang pakialaman, yung diktahan.

Dito nga sa ‘One More Try’, sa trailer pa lang nage-excite na siyang mapanood, magse-set nga kami ng isang araw, panonoorin namin ng family niya, ng family ko at mga kaibigan,” chika ni Zanjoe.

Kung meron naman daw isang bagay na feeling ni Zanjoe, e, nagbago kay Bea mula nu’ng maging sila, “Dati medyo mahiyain pa si Bey, takot pa siyang makipag-close sa mga tao, kasi ‘yun talaga ang personality niya, kaya siguro iniisip nila ganu’n (suplada), siguro nalaman niya na okay lang naman ang makipagkaibigan.

Kaya ngayon, parang naging open na siya.”

Tinanong naman si Zanjoe kung hindi ba siya natakot o na-intimidate sa tatlong malalaking artista (Dingdong Dantes, Angel Locsin at Angelica Panganiban) na kasama niya sa “One More Try” bilang mga magagaling na drama actors?

“Sabi nga nila, yung tatlo sanay na sa mga ganyang projects, kumbaga dumaraan na lang sa kanila ‘yan, e, siguro maganda na rin ‘yung challenge na ‘yun, kumbaga ito yung una kong pelikula na hindi basta-basta ‘yung role, yung heavy drama talaga.

“Tsaka matagal ko na ring hinihintay ‘yung ganitong project, kumbaga dumating na rin ‘yung panahon na talagang uhaw na ako sa ganitong proyekto, hindi ko na inisip na, ‘Naku matagal na sila, sanay na sila sa mga ganitong kabibigat na eksena, ako bago lang, kasi kung iisipin ko pa yun, baka lalo akong hindi mapansin, baka hindi ko maibigay ‘yung dapat kong ibigay.”

Dagdag pa ni Zanjoe, “Masasabi ko naman na isang magandang pangtapos ng taon ko ito, feeling ko malaki ang magagawa nito sa career ko pagpasok ng 2013, I would say na sa pelikulang ito marami akong nagawang bago, kasi nga itong buong pelikula, bago, nakaka-excite na panoorin.

Tsaka nu’ng nagda-dubbing ako, sabi ko nga sa sarili ko, kaya ko naman pala.”

“Tsaka kahit mabibigat ‘yung mga eksena, nagiging madali dahil sa director namin, dahil sa effort na ibinibigay ng bawat isa sa amin, and ‘yung mga character bumagay talaga sa aming apat, kung sino yung bagay sa character ‘yun ang kinuha nila, ang gagawin mo na lang ibigay yung tamang emosyon.”

“Sana nga mapansin nila na pwede rin ako sa mga serious roles na heavy drama, kasi pwede ko rin itong madala sa TV, ‘yun naman kasi ang gusto kong mangyari, yung lahat pwede, kapag nag-heavy drama ako sa pelikula, comedy naman sa TV and vice versa,” sabi pa ni Zanjoe.

Showing na sa Dec. 25 ang “One More Try” at mismong ang director nitong si Ruel Bayani na ang nagsabi na napakaraming pasabog ng pelikula kaya hindi n’yo dapat itong ma-miss sa darating na MMFF 2012.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: