Skip to content

‘Gusto ko ako lang ang asawa niya, ayoko ng marami kami!’

December 19, 2012

mariel and robinMagpapakamartir si Mariel kay Robin sa isang kundisyon…

Ikaanim na anak ni Binoe nagpa-DNA test  

AWARE si Mariel Rodriguez na maraming taong tinutulungan ang asawa niyang si Robin Padilla.

At wala naman daw itong problema sa kanya, sa katunayan, marami rin siyang ginagawa ngayon para kahit paano’y magkaroon siya ng share sa ginagawang charity works ng kanyang mister.

“Oo naman suportado ko siya, kasi nu’ng nag-usap kami, naglatagan kami.

Sabi ko, okay sa akin lahat ‘yan, foundation, may mga anak, apat kay Liezel (Sycangco) at isa kay Leah Orosa (dating aktres), si Camille graduate na siya (college).

Kaya lima lahat ang anak ni Robin.

Lahat ‘yan inalam ko. Pero isa lang ang sinabi ko kay Robin, okay sa akin lahat ‘yun, pero ang gusto ko, dapat ako lang ang babae sa buhay niya.”

Pero sa pagkakaalam namin, anim lahat ang anak ng aktor, “Ay tinanong ko na, hindi raw totoo.

Actually, nabasa ko nga ‘yan sa internet, sabi nga nila anim, pero sabi naman ni Robin lima lang, kaya talagang tinanong ko.

“Tapos sabi nga, hindi sa kanya ‘yung isa, kawawa nga ‘yung bagets kasi nagpa-DNA testing pa talaga,” kuwento pa ni Mariel nu’ng makakuwentuhan namin siya sa bahay nila ni Robin sa West Fairview.

“Sabi ko nga, nagpapasalamat ako na late akong dumating sa buhay ni Robin kasi kung ‘yung panahon na bad boy siya, hindi ko kakayanin, mamamatay kaagad ako.

Hindi ako ganu’n ka-bayani,” natawang sabi ng TV host-actress.

At dahil dito ay naungkat ‘yung mga artistang na-link noon kay Binoe, “Naku, ayoko ng pangalanan, basta alam ko, lahat sila naging asawa ni Robin.

“Actually, hindi naman binabanggit ni Robin sa akin ‘yan, nalalaman ko lang at minsan nadudulas siya, sasabihin niya, ‘Ay may naging asawa ako diyan!’ Sabi ko naman, ‘Ay talaga?

Bigla akong ganu’n, tapos tatahimik na lang siya.

“Basta alam ko lahat, actually! Lima lahat sila at ‘J’ lahat nag-start ang name!” nanlalaki ang mga matang sabi pa ni Mariel.

At dahil nagkabanggitan na ng inisyal ay kinulit na namin si Mariel kung sinu-sino ang mga ito dahil ang alam lang naming, tatlo lang ang letrang “J” na naging asawa ng aktor, may “JS” at may “JM”, “Hindi naman actually, nagsasabi si Robin kasi pangit daw sa lalaki na magsabi ng ganu’n, kaya hayaan na tutal tapos na.”

Tungkol naman sa ina ng mga anak ni Robin na si Liezel Sycangco ay wala raw planong agawan ito ni Mariel ng puwesto lalo na nu’ng sabihing kaya ayaw nilang mag-anak ng aktor ay dahil siya na ang tumatayong ina nina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen at Ali kapag narito sila sa Pilipinas?

“Ay hindi, nahiya naman ako. May mother sila si Liezel, ang bait-bait. More on friendship ang relasyon ko sa mga bata,” mabilis na sabi ni Mariel.

Hindi pa rin daw sila nagkikita ng personal ni Liezel, “Hindi pa kami nagkaroon ng chance, pero nagkausap na kami rati sa text, kasi Father’s day dati, nag-reach out ako sa kanya kung okay lang na mag-Skype si Ali at si Robin, mabait siya.

“Wala akong nakikitang rason (para hindi kami maging okay), may pasalubong pa nga siya sa akin na binibigay ng mga bata. Pag pumupunta naman ‘yung mga bata roon, I gave something para kay Liezel,” kuwento ni Mariel.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: