Skip to content

JOHN LLOYD naadik sa kilikili ni ANGELICA, laging inaamoy-amoy

December 18, 2012

john lloyd and angelicaBukod daw sa mahilig mangalabit ang bagong dyowa

KUNG may isang bagay daw na pinag-aawayan sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, ‘yan ay walang iba kundi ang pagiging “adik” ng Kapamilya actor sa kilikili ng kanyang girlfriend.

Kuwento ni Angelica nang mag-guest siya kahapon sa morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV, sa maniwala raw kayo’t sa hindi, wala pa silang major-major away ni Lloydie mula nang maging magkarelasyon sila.

“Wala talaga, as in! ‘Yung sa amin, parang asaran lang, kulitan.

Ako, napipikon lang ako sa kanya kapag…mahilig kasi siyang mang-amoy ng kilikili.

E, minsan, OA na, so kunyari, nagagalit ako, naiinis ako. Tapos mahilig din siyang mangalabit, e, ayokong-ayoko nang kinakalabit ako, asar na asar ako sa ganu’n!” natatawang chika ni Angelica kay Kris.

“‘Yung mga ganu’n lang, pero ‘yung away talaga na talakan, ganu’n, waley!” dagdag pa ni Angelica kasabay ng pagsasabing, gustung-gusto raw siyang pinagluluto ni Lloydie, in fact, kahapon daw ay naka-schedule silang magkita ng aktor sa bahay niya para ipagluto siya.

Naikuwento rin ni Angelica na maganda rin ang relasyon ni John Lloyd sa kanyang pamilya, sa katunayan, kapag daw nagkikita sila ng ilan niyang mga kapamilya at kaibigan ay puro si Lloydie ang kinukumusta ng mga ito sa kanya.

Talaga raw favorite nila si Lloydie kahit noon pa.

Napaamin din ni Kris si Angelica na mahigit limang buwan na silang mag-boyfriend ni John Lloyd, habang more than five years naman ang naging relasyon niya sa mga ex dyowa niyang sina Carlo Aquino at Derek Ramsay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: