Skip to content

HEART manhid na sa mga paninira kay CHIZ

December 18, 2012

heart-chiz escuderoManhid na raw si Heart Evangelista sa mga tsismis na kesyo ginagamit lang siya ni Sen. Chiz Escudero para sa political career nito.

Ayon sa Kapuso actress, dinededma na lang niya ang mga ganitong chika dahil alam naman daw niya kung ano ang totoo.

Ayon pa kay Heart, maligaya siya sa piling ni Chiz at bawat araw daw na magkasama sila ay ine-enjoy lang nila.

At kung ginagamit lang siya ni Chiz, wala raw ibang makakaramdam nu’n kundi siya mismo.

Nakiusap na lang siya sa mga detractors ni Chiz na tigilan na ang mga ganitong mga chika.

Anyway, excited na rin si Heart sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang MMFF entry na “Sosy Problems” under GMA Films kung saan makakasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Solenn Heussaff, Rhian Ramos at Bianca King.

Ito’y sa direksiyon ni Andoy Ranay. Ka-join din dito sina Aljur Abrenica, Mikael Daez at Benjamin Alves. Chika ni Heart, “We had so much fun shooting the film.

Talagang nag-bonding kami nang husto and we share each other’s secrets.

The movie is a lot of fun and I’m sure some pasosyal people will recognize themselves in the characters we portray.”

May special participation din sa “Sosy Problems” sina Ruffa Gutierrez, Roderick Paulate, Cherie Gil, Agot Isidro, Mylene Dizon at Robert Arevalo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: