Skip to content

ANGEL: Di pa ako handang mabuntis at maging nanay!

December 18, 2012

angel locsinHindi pa handa si Angel Locsin na magbuntis at maging isang nanay.

Ayon sa aktres, hindi pa niya kaya ang ganito kalaking responsibilidad at napakarami pa raw niyang gustong gawin sa kanyang buhay bilang single woman.

Sa interview sa kanya ng The Buzz nu’ng Linggo, napakarami raw niyang natutunan habang ginagawa nila ang pelikulang “One More Try” na kasali nga sa MMFF 2012, gumaganap siyang ina sa movie na kailangang magsakripisyo para sa kanyang anak na may sakit.

Dahil daw sa kanyang role ay mas naging aware siya sa mga bagay-bagay na dapat isakripisyo ng isang babae para lang sa kanyang anak, kaya raw hangga’t maaari kapag siya’y nabuntis at naging isang ina ay handang-handa na siya.

Dagdag pa ng leading lady ni Dingdong Dantes sa “One More Try”, mas tumaas at tumindi pa raw ang pagsaludo niya sa mga nanay dahil sa mga na-discover niya habang sinu-shoot nila ang nasabing pelikula.

Inamin din ni Angel na mapili na siya ngayon sa ginagawa niyang projects, “Dapat naman ho talaga, kasi inaalagaan ko talaga ‘yung sarili ko dahil hindi naman lahat pwede mong tanggapin, hindi naman lahat babagay sa ‘yo, hindi naman lahat kaya mong gawin, so pipili tayo ng proyektong makakatulong sa career natin, makakapagbigay-ligaya sa tao kesa sa maiinis sila.”

Dinenay naman ni Angel na pinag-awayan nila ng kanyang boyfriend na si Phil Younghusband ang maiinit na eksena nila nina Dingdong at Zanjoe Marudo sa movie, “Naiintindihan niya po ang trabaho ko at sinusuportahan niya ako.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: