Skip to content

ALBIE CASINO ayaw nang patulan si ANDI, tahimik na ang buhay

December 18, 2012

albie casinoInutusang wag nang magsalita tungkol sa ex-GF

KAHIT sobrang busy, nakakatuwa si Vhong Navarro dahil sobrang tutok pa rin siya sa promotion ng “Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion”, ito ang first “SRR” niya, actually.

Bida si Vhong opposite Lovi Poe sa episode na “Unwanted”.

Araw-araw na nagpo-promote si Vhong ng “SRR14” sa noontime show niya sa ABS-CBN, ang It’s Showtime bukod pa roon sa pagge-guest niya sa iba’t ibang shows ng Dos para masiguradong well-promoted ang kanilang entry sa MMFF 2012 directed by his manager Chito Roño.

Hindi lang basta nakakatakot ang “Unwanted”, sadyang nakakaaliw rin ito dahil sa presence ni Vhong.

Ayon sa leading lady ni Vhong sa “SRR 14” episode na ito, sobrang funny ng comedian-TV host.

“Aliw talaga sa shooting namin, lahat, enjoy dahil sa pagpapatawa ni Vhong. Kung ano ‘yung napapanood natin sa kanya sa mga pelikula at TV shows niya, ganoon din siya sa personal.

Enjoy lahat sa shooting dahil sa mga punchlines niya.

May scenes nga sa pelikula na sobrang funny at wala naman sa script dahil para lang kaming naglalaro sa set, pero nakunan din pala at dahil maganda, isinama na rin sa pelikula,” kuwento ni Lovi.

Kasali rin sa “Unwanted” episode ang kontrobersiyal na si Albie Casino.

Obvious sa pagge-guest ni Albie sa ilang talk shows para sa promo ng “SRR14” na umiiwas na siyang mapag-usapan ang issues sa kanila ni Andi Eigenmann.

Ayon sa management team ni Albie, ayaw nilang magmukhang nagpo-promote ang aktor ng mga intriga tungkol sa kanila sa tuwing nagge-guest ito para sa “Shake, Rattle & Roll 14”, kaya sila na mismo ang nagsasabing huwag na lang tanungin si Albie tungkol sa mga ganoong bagay.

Unang “SRR” movie nga pala ni Albie ito at masaya siya sa pagkaka-include sa pelikulang ito.

Masaya rin si Albie na makakasama siya sa parade of the stars sa Linggo (Dec. 23) na magsisimula na sa Luneta at mag-e-end sa SM MOA.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: