Skip to content

PACMAN nakalimutan na ang dating kaibigan, di maabutan kahit barya-barya lang

December 17, 2012

Manny PacquiaoKaya raw nagtatampo at masama ang loob

How true kaya ang emote ng mga nakausap namin sa sportsworld na nagtatampo umano ang ilang grupo at indibidwal dito kay Manny Pacquiao?

Na para umanong wala silang nagawa o ginawang maganda para sa Pambansang Kamao.

Gulat na gulat raw sila sa nasaksihang pagiging galante nito sa entertainment media nang muli itong magbahagi ng daan-daang libong piso para sa Christmas party ng GMA.

Pero kapag sila naman daw ang lumalapit para manghingi ng tulong ay dedma lang daw ang kongresista.

“Nakakalungkot na sa sports naman siya nagsimula at yun pa rin ang matatawag niyang passes niya sa anumang sektor na pinasok niya ngayon.

Pero nakakahinanakit lang na yung mga kasamahan namin dito na hirap na hirap na ngang makalapit sa kanya unlike before, eh, lagi pang nabibigyan ng negatibong sagot kapag may mga okasyon.“Sino ba naman ang hindi magtatampo? Pero ganyan talaga ang buhay.

Sports naman kami,” tsika ng kausap namin.

Ay may ganu’n pala?

Hala, Congressman Pacquiao, baka naman po hindi na ninyo naririnig ang mga ganitong pangyayari sa dami ng mga taong bumubulong at nakapaligid sa inyong may kani-kanyang motibo?

Yung dati ninyo raw pong mga nakakahuntahan at nakakasama sa mga training ninyo at ensayo sa mga gym na pangmasa ay para raw talagang hindi na ninyo maalala o makilala?

Isama na raw din po yung mga dati ninyong nahihingan ng mga t-shirts, shorts at sapatos! Nakakalokah!!!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: