Skip to content

KRIS tuwang-tuwa sa pagpayat ni JOSHUA: Imagine ha, from 46 na waistline, 36 na lang siya ngayon!

December 16, 2012

joshua halfSOBRANG proud ni Kris Aquino sa kanyang panganay na anak na si Josh. E, kasi nga, ang payat na ng binata at excited na raw si Tetay na mag-shopping para sa bagong wardrobe ng anak.

Ayon kay Kris, mahigit 90 pounds ang nabawas sa timbang ni Josh dahil sa patuloy nitong pagwo-workout.

Grabe raw ang disiplina ngayon sa katawan ng bagets at talagang hindi ito nagpapabaya sa kanyang diet programs.

“Actually, Josh got a reward because he lost 92 pounds this year.

‘Yun ang proudest at siguro masasabi ko na by the time Christmas comes, si coach Chappy Callanta told me na 100 pounds ang malu-lose niya kasi steady pa rin na two pounds every week talaga,” kuwento ni Kris na sobrang busy ngayon dahil bukod sa kanyang regular work, halos araw-araw na ang promo ng kanilang 2012 MMFF entry na “Sisterakas” together with Vice Ganda and Ai Ai delas Alas

Kuwento pa ni Kris, adik na adik na raw ngayon si Josh sa pagwo-workout at iba pang sports tulad ng running at swimming.“Sobra talaga ang effort niya. Grabe, discipline. Number one breakfast, that’s the most important meal.

He was not eating breakfast before now he eats it, nag-fu-fruits at miso soup.

Five times a day kumakain pero konti-konti and then tinigil ‘yung mga deep-fried food, tinigil ang mga sugar drink and ang fruit is the dessert.

It came from him, he works out six days a week, as in talaga,” chika ng TV host-actress.

Bukod sa pagpayat, nagbago rin daw ang pananaw ng binata, siguro raw dahil sa kanyang slimmer look, “Talagang proud ako kasi this time last year his waistline was 46, it’s now 36. He was 320 pounds.

The last weigh-in nila, he was 220.

Ang goal lang namin because he is 6’2” is to be 215 pounds.

Sobrang lapit na talaga. Konting-konti na lang.

“At nabago ‘yung outlook niya, nabago ‘yung disposition niya at ngayon na-excite na siya sa damit so, ‘yung nanay naman, na-excite din na bagong wardrobe para sa kanya,” tuwang-tuwa pang pahayag ng proud mama.

Hindi pa raw siya bumibili ng mga bagong damit ni Josh, hinihintay pa raw niya ang go signal ng coach ni Josh, “Hindi pa kasi sinabi sa akin nu’ng coach na hinay-hinay daw kasi nga liliit pa.

But this is the first time na kasya na siya sa large na shirt.

For the longest time he was triple extra large. Kaya sobra talaga ‘yung pagka-proud namin doon.

Sabi ko nga tinalo pa niya ‘yung mga contestants sa Biggest Loser. Kasi di ba 92 pounds.”

Tungkol naman sa bunso niyang si Bimby na sinasabing bata pa lang, e, milyonaryo na dahil sa dami ng kanyang TV commercial, natutuwa rin si Kris dahil lumalaki itong mabait at mapagmahal sa kanyang kuya Josh.

Naikuwento rin ni Kris na “nagseselos” daw ito kapag hindi siya kasama sa mga TV ad na ginagawa niya, “He really loves it.

And galit nga siya pag wala siya eh.

Kasi meron akong dalawang shinoot na wala siya. Sabi niya, ‘Why am I not there?’ Sabi ko, ‘Because you’re very expensive!’ Ha-hahaha!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: