Skip to content

Regalo ni BOSSING kay PAULEEN sa pasko: pagmamahal na lang!

December 15, 2012

vic pauleenWALA pa raw Christmas gift si Vic Sotto sa kanyang girlfriend na si Pauleen Luna.

Ayon kay Bossing, malayo pa naman daw ang Pasko at may ilang araw pa siya para mag-isip na ipangreregalo niya sa TV host-actress.

Say ni Vic, “Regalo? Ang layo pa naman ng Pasko, e.

Tsaka hindi lang naman pag Pasko tayo nagbibigayan ng regalo, di ba?

Pero siyempre, pagmamahal. Dapat magmahalan tayo… kahit hindi Pasko ay magbigayan (kumanta)! He-hehehe!”

At siyempre, magkikita raw sila ni Pauleen sa dara-ting na Pasko, pero depende pa raw ‘yun sa availability ng kanilang schedule, “May pamilya rin naman siya.

I really don’t know when, depende sa mga schedule ng mga family namin kung kailan.”Dagdag pa ni Bossing, “Alam n’yo I always find time naman na makasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

But this time, after the midnight mass, siyempre, Noche Buena sa bahay, kung sino ang mga anak na pwedeng pumunta sa bahay.

Simple lang naman ang celebration namin, hindi masyadong bonggacious.”

Very obvious naman ang kaligayahan ngayon ni Pauleen, sa kanyang Instagram, puro love messages ang pino-post niya, though wala siyang binabanggit na pangalan, sure na sure namang si Bossing na ‘yun.

Ano bang feeling ni Vic tungkol dito?

“Ako na! Ako talaga ang dahilan! Ha-hahaha! No, honestly, that’s very flattering.

Nakakatuwa naman. Kung ako nga ‘yun, ha! Baka naman hindi ako, napa-flatter-flatter pa ako dito! Ha-hahaha!

Hindi, alam n’yo naman ang batang ‘yun, mabait, masayahin talaga siya!”

Anyway, very positive naman si Bossing na mas mag-eenjoy ngayong taon ang mga manonood sa MMFF 2012 entry na “Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako” showing on Dec. 25, kasama sina Bong Revilla at Judy Ann Santos.

Bukod daw kasi sa bagong-bago ang istorya at sa sandamakmak na special effects, mas maraming maaksiyon, adventure at nakakatawang eksena sa pelikula, lalo na raw ang mga pasabog ng kinagigiliwan ng lahat na si Ryzza Mae.

Very proud nga raw si Bossng kay Ryzza dahil sikat na sikat na ito ngayon.

Sigurado raw na marami ang matutuwa sa mga ginawang eksena ng bata sa “Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako”. “Kung natutuwa kayo sa kanya sa Eat Bulaga, mas mamahalin at mas hahagalpak kayo sa mga hirit niya sa pelikula.”

Parang nakikita rin daw ni Vic si Ryzza noon kay Aiza Seguerra, pero aniya, “Mas wild kasi si Aiza noon, si Ryzza medyo nag-iingat pa siya sa mga ginagawa niya, magkaiba sila ng style, e.

Pero parehong magaling!”

Makakasama rin sa movie sina John Lapus, Sam Pinto, Ryzza Mae Dizon, Jose Manalo, Wally Bayola, Sam Pinto, Gwen Zamora, Aiza Seguerra, Jillian Ward, Yassi Pressman, Jolo Revilla, Oyo Sotto, Ruby Rodriguez, Amy Perez, Barbie Forteza, Alden Richards at Anton Revilla. Ito’y sa direksiyon ni Tony Reyes.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: