Skip to content

‘Nakakahiya ang ginawa ni JED MADELA kina DANIEL at KATHRYN! pati mga bata pinatulan!’

December 15, 2012

Jed MadelaMay halong inggit at galit ang pambabastos sa 2 bagets

NA-HURT ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil diumano sa di kagandahang ginawa ni Jed Madela sa dalawang bagets during ABS-CBN Christmas Special sa Smart Araneta Coliseum last Tuesday.

Grabe raw pang-aalipusta ang ginawa ni Jed sa dalawang bata kaya pati ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay nagsabing huwag lang daw magkrus ang landas nila ni Jed sa ABS-CBN at makakatikim daw ito sa kanya.

“Kasi that night, Kathryn and Daniel shared the same dressing room with Jed.

Habang nasa loob sila, nagutom ang mga ito  kaya nagpabili ng pagkain.

Then, hayun na nga, habang kumakain ay bigla na silang tinawag sa stage.

Binitiwan muna nila ang pagkain at babalikan na lang nila after ng kanilang performance.“In short, kalat-kalat pa ang pinagkainan ng dalawa dahil hindi pa naman sila tapos at biglaan nga ang pagtawag sa kanila.

Habang nasa stage sina Kathryn at Daniel, kinunan ni Jed ng picture ang pinagkanan ng dalawa at ipinost sa Instagram with matching sour comments

“Parang pinalabas niyang burara ang dalawang bata.

Grabe ang post ni Jed, parang may galit siya kina Kathryn at Daniel at gustong sirain sa public.

Pagbalik ng mga bata, binuksan ni Daniel ang kanyang Twitter at since pina-follow nga niya si Jed, nakita niya roon ang post ni Jed sa Instagram with matching bad comments sa kanila.

Instead na magalit, ay nilapitan ni Daniel si Jed at nag-sorry pero deadma raw si Jed.

“Sinabi naman ng dalawang batang di pa sila tapos kumain kaya kalat-kalat pa nga ang kanilang kinakainan.

Na-hurt ang dalawang bata pero hindi na lang sila umimik. Ang mga followers nila ang nagba-bash kay Jed, kasi nga, para naman silang hindi magkakapamilya.

Obviously, binastos sila ni Jed. Sana, kung talagang concerned siya sa mga bata, pinagsabihan na lang niya ang mga ito nang personal at hindi na nag-post sa Instagram.

“With what he did kina Kathryn and Daniel, ano ang gusto niyang palabasin?

Ano ang intensiyon niya, aber?” tuluy-tuloy na litanya ng isang malapit sa dalawang bata na sobrang na-offend sa ginawa ni Jed.

Balita ko ay kakausapin daw ng Star Magic si Jed at pangangaralan.

Pag-aayusin daw nila ang dalawang kampo.

Kung totoo man ang pangyayaring ito, walang makukuhang kakampi si Jed dito.

Sa isandaang tao, masuwerte ang merong isa o dalawang kakampi sa kanya.

Kami man, sabihin man nating dapat ay turuang huwag magkalat ang dalawang bata, that’s not the way to do it, turuan nang maayos.

Touched nga ako sa ginawa ni Daniel, actually nakakaiyak pa nga – na instead na magalit o magtampo, siya pa ang lumapit kay Jed para humingi ng paumanhin.

What a beautiful boy, di ba? Patunay lamang na magalang ang bata, na lumaking may respeto sa matatanda o nakatatanda sa kanya.

Kaya dapat ay ma-realize ito ni Jed. Is this a sign of insecurity on Jed’s part dahil palaos na ang career niya?

Let us know. Hindi kasi namin maintindihan kung bakit nagawa niya ito kina Kathryn and Daniel. This Chubbylita talaga, oo!

2 Comments leave one →
  1. tezza marie whin corpuz permalink
    December 15, 2012 8:55 pm

    hahaha ! Yun un eh !!!
    Sna un mkbas dto na negative ang comment ke daniel..;maintndhan nyo.
    Na khit sa anong anggulo tgnan mali pdn un gnwa ni jed,,,_

    kc kht sbhn pa ngkalat un dlwa pde nman nya sbhan ng personal un dlwa tulat nakakatanda xa peo ayun gnmit ang social networking site,,hnd na npigilan ang pgka maldita nya_ lumbas dn ang pgka antipatika_ lol…and worst ngsori pa c dj peo dehins nya pa pinansin ah_ grbe n tlga yun dpt hd un pnplampas,,_

    ayan sa ngyyri ngaun sana mtuto na,,,,dnt be too judgemental7 mtnong muna bgo mgtatalak.

  2. February 20, 2013 5:08 am

    bapaka sama tlga ni Jed..! dapat sinabi niya un as a personal kina dj and kath..kaysa ni post pa nia sa instagram!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: