Skip to content

RHIAN maligaya na sa kandungan ni KC

December 14, 2012

rhian and kcDJ Mo puro kamalasan ang inaabot sa US, kinakarma na raw

NAGKAROON ng chance na makipag-bonding ang boyfriend ni Rhian Ramos na si KC Montero sa ama ng Kapuso actress sa Amerika kamakailan.

Nagkita ang dalawang lalaki sa buhay ni Rhian para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas.

Dapat sana ay magkasama sina Rhian at KC na manonood ng laban nina Pacman at Juan Manuel Marquez pero hindi nga siya natuloy dahil halos araw-araw na ang shooting ng dalaga para sa Metro Manila Film Festival entry nilang “Sosy Problems” under GMA Films.

Pero hindi man nakaalis ng bansa si Rhian para makasama si KC, masaya naman ang dalaga dahil nagkaroon ng chance ang tatay at boyfriend niya na magkakilala pa nang husto.

Nabanggit ni Rhian na first time nakapanood ang kanyang ama nang live na laban ni Manny. In fairness, mukhang botong-boto naman daw ang father ni Rhian kay KC, kaya huwag na tayong magtaka kung humantong na sa mas seryosohang relasyon ang estado ng dalawang Kapuso stars.

Ayon naman sa isa nating source, halatang naka-move on na raw talaga si Rhian mula sa mapait na karanasan niya sa dati niyang dyowa na si Mo Twister.

Kitang-kita raw sa itsura ng aktres na super happy siya sa kandungan ni KC.

In fairness, di hamak namang mas matino ang TV host-DJ kesa sa bansot at walang kakuwenta-kuwentang si DJ Mo.

At totoo nga kaya na kinakarma na ngayon si DJ Mo sa Amerika dahil sa mga ginawa niya noon kay Rhian? Balita kasi na hindi matahimik ang “kaluluwa” ng lalaking ito kaya puro kamalasan ang kanyang inaabot.

Well, let’s just wish him the best in life!

Anyway, speaking of “Sosy Problems”, gagampanan ni Rhian ang karakter ni Lizzie sa movie, isang mayamang anak ng hotelier.

She, always gets what she wants and she feels like the world revolves around her.

Has a bunch of “businesses” – a clothing line named after her, a perfume fragrance named after her, and a jewelry line na yes still named after her.

Kuwento ni Rhian, masaya raw ang pelikula at siguradong marami raw barkada ang makaka-relate sa kuwento.

Mapapanood na ang “Sosy Problems” sa Dec. 25 kung saan makakasam niya sina Solenn Heussaff, Bianca Kung at Heart Evangelista, sa direksiyon ni Andoy Ranay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: