Skip to content

DANIEL, KATHRYN binastos ni JED MADELA kaya pinagalitan ng ABS

December 14, 2012

daniel padillaNagtaray daw,  pinakain  ng masasakit na salita

MUKHANG may dapat ipaliwanag si Jed Madela sa ginawa niyang pambabatos diumano kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Martes.

Nag-react ang sangkaterbang fans ng dalawang bagets sa ipinost ni Jed sa kanyang Instagram kung saan makikita ang pagkain nina Daniel at Kathryn, kung anu-ano raw kasing masasakit na salita ang sinabi ng singer.

Base sa kuwento ng mga taong nasa dressing room ng Araneta, “May rehearsal po muna kasi ang mga bagets for their dance show, tapos nag-break muna so pinakain sila sa dressing room.

“Iisa po kasi ang dressing room nina Daniel, Kathryn, Jed at iba pa, so habang kumakain po ‘yung dalawa, si Jed po, mine-make-apan na.

“Siyempre, mga bagets, nagkukulitan, pero hindi naman maingay, so habang kumakain, kuwentuhan sila tapos bigla silang tinawag for their rehearsal ulit, so nataranta ‘yung dalawa, iniwan ‘yung food nila na nakabukas kasi babalikan naman nila.“Tapos after their rehearsal, bumalik na sina DJ at Kath sa dressing room at since pina-follow ni DJ si Jed sa instagram, nagulat siya na naka-picture na pala ‘yung food nila at kung anu-ano na ang mga sinabi,” kuwento sa amin.

Kung anu-anong masasakit na salita raw ang sinabi ni Jed sa post niya sa Instagram kaya naloka ang dalawang bagets at since mas nakatatanda sa kanila si Jed ay lumapit pa si Daniel sa kanya para humingi ng pasensiya dahil nakakalat ang pagkain nila pero dedma lang daw ang singer.

At dahil nakarating na yata sa Star Magic ang pambabastos na ito ni Jed kina Daniel at Kathryn ay kaagad na raw nitong tinanggal ang post niya, “Tinanggal na, kasi napagsabihan at pinatawag ng Star Magic si Jed,” sabi ng isang taga-Dos sa amin.

Ano kayang nakain ni Jed at  pinatulan ang mga bagets na bida ng Princess And I?

O baka naman, insecure siya dahil double platinum na ang “Hinahanap-Hanap Kita” album ni Daniel?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: