Skip to content

PIOLO kay COCO: Mabuti, masipag at mabait na artista!

December 12, 2012

piolo pascualInggit na inggit at inaatake raw ng sobrang selos

AYAW mamatay-matay ang intrigang inggit na inggit at super insecure raw ngayon ni Piolo Pascual kay Coco Martin.

May mga dalahira kasing nagsasabi na milya-milya na ang layo ni Coco kay Papa P in terms of career – hindi na raw uso ngayon si Piolo at si Coco na ang in na in.

In fairness naman, talagang sikat na sikat talaga ngayon si Coco, pero parang unfair namang sabihin na laos na si Papa P dahil sa pag-ariba ng career ni Coco, matagal nang natikman ni Piolo ang kasikatahang tinatamasa ngayon ni Coco kaya hindi tamang pagkumparahin ang dalawa.

Para sa amin mas marami pa ring achievements si PJ kay Coco, ilan na ba ang naging blockbuster movies ni Piolo?

Ilan na ba ang teleseryeng nagawa niya na talaga namang sinubaybayan ng mga manonood?

Ilang album na ang nai-record niya? Kumbaga, si Coco ngayon palang niya nararanasan ang tagumpay na napagdaanan na noon ni PJ. Sa isang TV interview, diretsahang sinabi ni Piolo na hindi siya naiinggit o “nagseselos” kay Coco dahil ito ngayon ang itinuturing na number one leading man sa ABS-CBN, “I’m happy with whatever Coco is reaping right now,” ang unang pahayag ni PJ. Alam daw niya kung paano pinagtrabahuan ni Coco ang kasikatan nito ngayon.

“Napaka-hard working ng taong ‘yon. Hindi lang siya mabait na tao, napakabait na artista so I’m happy for him.

Kapatid ko sa Star Magic, kapatid ko sa ABS-CBN, so walang issue.

Ang success ng isa, success ng lahat,” esplika ni Papa P.

Samantala, hindi naman daw siya nape-pressure sa mga naglalabasang issue tungkol sa kanyang “zero lovelife”.

Kung walang darating na babae para sa kanya, hindi niya raw ito ipipilit.

Kasabay nito ang pagdedenay niya na may relasyon na sila ni Maja Salvador.

“‘Yung mga bagay na ‘yan hindi pinangungunahan.

Darating tayo diyan, mangyayari at mangyayari ‘yan,” say pa ng Kapamilya actor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: