Skip to content

MARTIN DEL ROSARIO: Di ako bakla! Wala akong boyfriend!

December 12, 2012

martin del rosarioCLOSET gay nga ba si Martin del Rosario?

Hindi namamatay ang isyung bading daw ang batang aktor na hinangaan sa husay nitong umarte sa seryeng Pintada kasama si Denise Laurel, pati na rin sa mga pelikulang “Amorosa” bilang bulag na kapatid ni Enrique Gil at sa “The Healing” bilang anak ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Admittedly, gusto namin si Martin dahil bukod sa maayos siyang kausap, may breeding, malinis sa katawan at higit sa lahat – suplado siya. He-hehehe!

Natawa kami bossing Ervin sa sinabi niya sa amin, kaya raw pala hindi siya namamansin sa tuwing nasasalubong namin siya sa ABS-CBN ay dahil, “Malabo po kasi mata ko, wala po akong maaninag, pasensiya na po.”

Anyway, going back to the issue na closet gay siya ay aware pala si Martin at ang buong pamilya niya sa isyu.

Mas tumindi pa ang tsikang bading ang aktor dahil wala siyang maipakilalang girlfriend sa loob ng anim na taon sa showbiz.“Ay wala po, kakahiwalay lang namin last April this year, hindi naman po kasi showbiz kaya walang dahilan para ipakilala,” mabilis na sabi ni Martin.

Isa pang ikinatataka namin kung bakit sa rami ng naggagandahang artistang babae sa Star Magic ay wala man lang type ligawan ang aktor?

“Very private po kasi akong tao, ayokong pinag-uusapan ang personal kong buhay, saka hanggang friends lang po ang tingin ko sa mga taga-showbiz, mas gusto ko po talaga ang non-showbiz.

At saka tingin ko parang hindi totoo, maraming plastik,” katwiran ng aktor na ikinaloka  namin.

At heto pa, mas type ni Martin ang mas may edad sa kanya, okay lang daw sa kanya ang magkaroon ng May-December affair.

Ang katwiran ng binata kaya type niya ang mas matanda sa kanya, “Mas madali po kasing kausap pag medyo mas matanda sa akin.

Nagkaroon po kasi ako ng girlfriend dati na sing-edad ko, medyo makulit at mahirap kausap, unlike pag mas may edad, madaling kausap, walang liguy-ligoy, ‘yun nga lang, medyo selosa at maraming bawal,” dagdag pa ni Martin.

At tungkol naman sa tsismis na closet gay siya? “Aware po ako diyan sa isyung ‘yan na may boyfriend daw po ako, matagal na po ‘yun, mga three years na.

Pero ngayon, bumabalik na naman ‘yung isyu,” malumanay na sabi niya sa amin.

Lagi raw silang nakikitang magkasama sa gym ng diumano’y boyfriend niya, “Kilala ko na po ‘yung sinasabi nila na kasama ko rin sa Boracay, kaibigan ko po talaga ‘yun.

“Meron po kaming picture sa Facebook na magkasama at pinutol ‘yung picture at ginawang magkatabi at magkadikit ‘yung siko, ‘yun po ang kumakalat talaga sa iba’t ibang websites.

“Nagsimula po ‘yun sa isang maliit na article, blind item sa isang blog hanggang sa lumaki na kaming dalawa lang, tapos marami na ang na-curious.

Tsismis lang po lahat ‘yun,” paglilinaw ng aktor.

May kasabihan na kapag may apoy, may usok, na ibig sabihin kapag totoo ang tsismis ay hindi ito namamatay ng kusa, “Hindi naman po ako nagde-deny o naaapektuhan sa mga ganyang isyu kasi hindi naman totoo,” katwiran naman ng aktor.

Ang lalaking sinasabing kasama niya parati ay isang commercial at print ad model mula sa Elite Manila Philippines, “Saka hindi lang naman po isang lalaki lang kasama ko mag-gym, may mga kasama po kaming kaibigan.

Siguro po, nabigyan ng maling interpretasyon iyon, prior to that kasi, may tsismis na kami.

Kaya siguro, magiging cautious na po ako.”

At inamin din ni Martin na marami siyang circle of friends kaya siguro nakakadagdag pa ‘yun sa intriga.

At kung hindi apektado ang aktor ay iba naman ang kaso ng kanyang ina na nasa advertising agency, “Si mama, siyempre magulang, nagalit at naintindihan ko, sabi ko nga, dedmahin na lang kasi hindi totoo.

Nu’ng una, galit talaga, pinapatulan talaga nila, ngayon wala na, dedma na siya.”

At kahit wala raw siyang projects ngayon sa ABS-CBN ay sangkaterba naman ang mall shows niya para sa kanyang endorsements, “Actually, nagpapasalamat nga po ako, kasi for five years na nasa BNY Jeans ako, every week may tatlong mall shows ako na binabayaran ako, kaya iyon po ang panggastos ko, every month po ‘yun.

“Kaya blessings po sa akin na hindi ako nawawala sa BNY kasi malaking tulong siya sa akin dahil hindi naman po ako laging may kita,” kuwento ng aktor.

2 Comments leave one →
  1. February 4, 2013 5:52 am

    eh sino si zuther baustista? eh ano yung mga eksena sa bora? hala bira! ayan na! foot ng yna!

  2. February 21, 2013 10:22 am

    ganun talaga ang tao madaling manghusga anyway move on nalang pero curious lang talaga ako may nunal bha si mart sa kaliwang cheek nyah ewan ko bha basta may nakasakay akong kamukhang kamukha nyah di ko sure pero lahat ng nunal nyah sa kanan nyah mukha katulad ng kanyah so im not sure sobra hahaha kung siya nga sayang pero happy kung ganun nga🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: