Skip to content

ENCHONG mas bagay kay MAJA kesa kay JULIA

December 11, 2012

enchong dee 0910Nasusubaybayan namin ang Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ina Anak Kapatid, at in fairness, bagay na bagay naman pala sina Maja Salvador at Enchong Dee.

At marami ang nagsasabi, sana raw ay totohanin na ng dalawa ang kanilang “relasyon” tulad ng napapanood natin sa kanilang programa.

Sey ng isang kapitbahay namin na walang gabing hindi nanood ng Ina Kapatid Anak, “Mas bagay si Enchong kay Maja kesa kay Julia (Montes).

Sila na lang sana ang magkatuluyan.

Tutal naman pareho silang single, di ba?

Tantanan na ni Enchong si Julia dahil naunahan na nga siya ni Coco (Martin), di ba?”

Ha-hahaha! As in nang-intriga pa ang bruhang kapitbahay namin!

Anyway, patuloy na nagiging kapana-panabik ang bawat episode ng Ina Kapatid Anak, lalo na ang nagaganap sa buhay ng mga karakter nina Maja, Enchong, Kim Chiu at Xian Lim. Sa huling episode na napanood namin, unti-unti nang nakakaramdam si Margaux (Maja) ng inggit at selos kay Celine (Kim) dahil mukhang mas gusto ito ng ina (Mickey Ferriols) ni Ethan (Enchong).

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Liam (Xian) sakaling malaman niya ang totoo?

Mas marami pang pasabog ngayong linggo ang Ina Kapatid Anak kaya huwag na huwag kayong bibitiw.

Acting showdown pa rin ang hatid ng iba pang bida sa serye tulad nina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera, nandiyan din sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil and Eddie Gutierrez.

Ito ay sa direksiyon nina Don Cuaresma and Jojo Saguin.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: