Skip to content

Gwapong basketball player takam na takam sa kaseksihan at kakinisan ni MELAI

December 10, 2012

Melai CantiverosGusto raw niyang ligawan at maging girlfriend

‘Nakakatuwa rin siyang magsalita, parang machine gun!’

MERON akong isang kaibigang basketball player who plays for a popular D-League group na gustung-gustong ligawan ang komedyanang si Melai Cantiveros.

Kinukulit ako ng guwapong basketball player na ito, tinatanong niya kung wala na raw ba talaga sina Melai and Jason Francisco.

Sabi ko sa kanya, sa pagkakaalam ko ay talagang break na sina Melai at Jason.

In fact, nang napanood ko silang mag-guest nang sabay kay Gandang Gabi Vice, kumpirmadong wala na talaga sila.

Pero magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

“Sexy kasi ni Melai eh, ang kinis lalo na kapag naka-mini-skirt.

At nakakatawa siyang kausap. Ang bilis magsalita.Parang machine gun pero nakakatuwa.

Check mo nga friend kung break na talaga sila ni Jason,” pakiusap ng friend kong cager.

In short, sa tono ng friend kong player, mukhang malakas ang tama niya kay Melai.

Timing na timing naman siya dahil sa pagkakaalam ko, Melai is ready to mingle these days.

Hindi ba’t siya na rin ang nagsabing sumasama siya sa pag-wine-wine and night out nina Angelica Panganiban and the rest of Banana Split barkada nila?

Puwes, dahil single na ulit si Melai, mukhang madaling makapasok sa eksena ang kaibigan nating player.

Ang tanong, type naman kaya siya ni Melai?

Maging choosy pa ba? Ha-hahaha!Sana nga lang, pag napasagot ng ating friend si Melai, seryosohin naman sana niya ang komedyana.

I’m sure she can’t afford to be hurt again.

Kungsabagay, that’s sometimes the prize you have to pay lalo pag guwapo ang dyowa mo.

Nakaka-insecure talaga. Knowing how selosa Melai is, di ba naman? Let’s wait and see na lang.

After all, hindi naman si Melai ang lumalandi – ang lalaki naman, ‘no!

Minsan na ring nagkaroon ng showbiz girlfriend ang kaibigan nating player kaya lang, for some reasons ay naging on and off daw ang special friendship niya with the girl.

Sikat na sikat kasi noon ang dyowa niyang celebrity kaya hindi sila masyadong maka-display in public.

“Hindi naman masyadong lihim ‘yung sa amin.

There were times na naghu-holding hands din kami ni public.

Wala naman sa plano namin dati ang ilihim ‘yun, hindi nga lang nagtagal dahil pareho kaming seloso.

Huwag na lang natin siyang pag-usapan dahil she’s stable na with her lovelife now.

“Sana nga lang ay hindi saktan ng bagong boyfriend niya ang kanyang puso.

Kahit wala na kami, masasaktan pa rin ako para sa kanya pag nagkataon,” anang basketball player-friend natin.

How sweet naman niya, di ba? Kahit wala na sila ng ex-girlfriend niya ay concerned pa rin siya.

Iyan ang lalaki – may tama! Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: