Skip to content

CHARICE: Salamat sa pagmamahal mo at tinanggap mo kung sino man ako!

December 10, 2012

charice pempengcoSa wakas, napaamin din ni Kris na meron na siyang dyowa

Kahit hindi diretsahang tinukoy ng international singing sensation na si Charice kung sino ang dyowa niya ngayon, marami ang nagsasabi na ang taong tinutukoy niya ay matagal na niyang kasa-kasama, simula pa noong magsimula ang kanyang career sa Hollywood.

Tawa lang kami nang tawa sa mga natatanggap naming komento mula sa mga nakapanood ng interview ni Charice sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV kamakailan.

Dito nga nagsalita ang singer tungkol sa kanyang lovelife.

Tinanong ni Kris ang kanyang inaanak kung meron ba siyang lovelife, nu’ng una ay parang nahihiya pa si Charice na magsalita pero napilit din siya ng kanyang ninang, “Iba rin siyempre pag inspired ka noh.

Uhmmm….ano po, When I’m in love I’m like this, I get crazy. Ha-hahaha!”

At nu’ng kinanta na niya ang song ni Alicia Keys na “If I Ain’t Got You”, inihandog niya ito sa kanyang dyowa, “This is for you. Sa ‘yo, I just want to say thank you for inspiring me.

Thank you for loving me for who I am.

Alam ko eh, alam ko na kahit na hindi ganito yung status ko, you’ll still love me.

This is the last time I’ll fall in love.”

Well, naniniwala kami na karapatan din naman ni Charice na lumigaya, at kahit hindi niya ibandera sa buong mundo kung sino siya, I’m sure kilala na siya ng mas nakararami nating mga kababayan na nakakasubaybay sa kanyang showbiz career at personal life.

Sayang at hindi naitanong ni Kris kay Charice kung totoo ang issue na hindi boto ang kanyang nanay na si Mommy Racquel sa dyowa niya.

May mga tsismis kasi na hindi maganda ang relasyon nilang mag-ina ngayon nang dahil sa pakikipagrelasyon niya sa kanyang “special someone”.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: