Skip to content

ANGELICA: Gulat na gulat ako sa mga nadidiskubre ko kay LLOYDIE!

December 10, 2012

John Lloyd  and Angelica‘Pag magkasama kami, para kaming  gumagawa ng comedy movie!’

KAHIT daw si Angelica Panganiban ay nagtataka kung bakit ang ganda-ganda ngayon ng takbo ng kanyang career at personal na buhay.

Parang ito raw yata ang kauna-unahang pagkakataon na lahat ng bagay ay umaayon sa kagustuhan niya.

Bukod kasi sa sunud-sunod na projects, mapa-TV man o pelikula hanggang sa endorsements ay bonggang-bongga rin ang takbo ng kanyang lovelife – hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ng very much in love sila sa isa’t isa ni John Lloyd Cruz.

“Siguro masasabi ko lang, na sobrang fulfilled ako sa lahat ng mga nangyayari,” chika ni Angelica nang makapanayam siya ng entertainment writers sa presscon ng pelikulang “One More Try” na official entry sa 2012 MMFF kasama sina Angel Locsin, Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo.

“Parang sinasabi ko nga, ‘Ano ba ang nagawa kong maganda at ganito yung palit na binibigay sa akin na sobrang ayos ng lahat?’” say pa ng aktres.Ayon pa kay Angelica, habang tumatagal daw ay mas nakikilala pa niya si Lloydie, marami rin daw siyang nadidiskubre tungkol sa kanyang boyfriend,

“Ngayon parang gulat na gulat ako na, ‘Ay, ganito pala siya?’ Noon, kilala ko lang siya sa, ‘Hi, hello.’ Di ko alam na parehas na parehas pala kami sa ugali.

“Pag magkasama kami, para kaming gumagawa ng comedy movie.

Walang seryoso sa aming dalawa,” kuwento pa ng Kapamilya actress.

Biro nga ni Angelica feeling niya minsan siya si Kathryn Bernardo dahil talagang kinikilig siya sa mga pa-tweetums na emote nila ni Lloydie, “Like for example, pag di nakaka-reply, para kaming high school… ‘Kathryn’ nga ako ngayon! So duma-Daniel siya! Ha-hahaha!” biro pa ni Angelica.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: