Skip to content

JM DE GUZMAN baka matulad sa kapalaran ni JOHN WAYNE SACE, wasak na ang career

December 9, 2012

jm de dguzmanKaya pala hiniwalayan na lang ni Jessy Mendiola

“MUKHANG may problema si JM de Guzman, hindi siya nakakasipot sa taping ng Angelito, halos lahat ng cast siya na lang ang hinihintay, ending pack-up ang shooting kasi hindi raw niya kayang mag-taping,” sabi sa amin ng isang taga-Dos.

“Baka burned out sa trabaho kasi ngaragan ang taping saka baka may problema rin at puro mga kaibigan ang kasama,” dagdag pa ng aming kausap.

Marami na kaming naririnig tungkol sa ugaling ito ni JM, ito rin daw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola na noong una ay itinatanggi pa nilang magkarelasyon sila at ng magkahiwalay ay saka inaming super close at mas magandang maging magkaibigan na lang muna sila para asikasuhin ang kanilang respective careers.

Kilala ba ni JM ang aktor na si John Wayne Sace na maski na gaano kagaling umarte ay hindi na binigyan ng project dahil pasaway sa trabaho?

Tanda namin binigyan pa ng chance si John Wayne pero wala pa ring nangyaring pagbabago.Sana hindi matulad si JM kay John Wayne na tuluyan ng nawalan ng career dahil sa mga problema rin nito sa sarili.

Tiyak na marami ang manghihinayang kay JM kung tuluyan nang masisira ang kanyang career dahil sa kanyang mga pinagdaraanan.

Sana nga lang ay mauntog na sa katotohanan si JM at makabawi pa siya sa kanyang career.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: