Skip to content

LANI MISALUCHA kamukha na raw ni MADAM AURING

December 8, 2012

Lani MisaluchaHINDI lang pala echosera si Noli, ang asawa ng singer na si Lani Misalucha – isa rin pala itong magaling na manghuhula.

Nakakaloka ang experience ng isang kaibigan na-ming event organizer na gusto sanang kunin ang serbisyo ni Lani para sa isang corporate party.

Our friend told us na nagkausap daw sila nitong si Noli para sana sa Dec. 12 event nila na gagawin sa isang hotel sa Metro Manila.

Maganda ang offer ng friend namin – basta ang participation lang daw ni Lani ay three songs on piano with noted musical genius Ryan Cayabyab.

Malamang na hindi sila nagkasundo sa isang bagay kaya mabilis na tumanggi raw itong si Noli.

“Ang sabi ni Noli sa amin ay may sakit daw si Lani sa Dec. 12.

Hindi raw kasi maganda ang health ni Lani these days,” kuwento ng kausap namin.

Natawa kami nang malakas na malakas! Ang galing naman ng asawa ni Lani Avatar. Nahulaan niyang magkakasakit ang asawa niya on that day.

Di ba masama ‘yung ganoon – na ginagamit mo ang sakit or anything morbid as a reason to decline something?

Nakalakihan na kasi namin ang paalala ng aming mga magulang na gumawa ka na ng ibang alibi or white lie pero huwag mong gamitin ang sakit or kamatayan dahil matindi ang karma niyan.

Lalo pa’t si Lani ay produkto pa naman ng siyensiya – sobrang retoke na ang inabot niya.

Mahirap daw yung ganoon, kasi nga baka magka-side effect ang kanyang pagpaparetoke.

In fact, halos hindi mo na nga makikilala si Lani ngayon dahil sa kanyang bagong itsura.

Malapit na niyang maging kamukha sina Michael Jackson or Madam Auring, ‘no!

“Sinabi niya sa akin iyon kaya napilitan tuloy akong maghanap ng another artist to replace her.

Nagulat lang ako sa reason ni Noli, na may sakit daw ang asawa niya sa Dec. 12.

Hay naku buhay,” sabi  pa ng kausap natin.

Well, kung ako kay Noli, huwag na siyang magpaka-stage husband sa asawa niya, magtayo na lang siya ng kubol malapit sa Quiapo at baka kumita pa siya sa mga nais magpahula sa kanya.

What do you think?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: