Skip to content

ANGEL posibleng matalo si NORA sa pagka-best actress

December 8, 2012

angel locsinInamin ni Angel Locsin sa presscon ng “One More Try” na malaki ang laban nila ni Angelica Panganiban na masungkit ang best actress award sa darating na Metro Manila Film Festival awards, pero habang sinasabi pala niya ito ay nanginginig siya.

Si Ms. Nora Aunor kasi ang mahigpit na makakalaban nina Angelica at Angel para sa pelikulang “Thy Womb” sa best actress category kaya nga nagtawanan ang lahat ng banggitin ng girlfriend ni John Lloyd Cruz na baka sakaling maghimala at sila ang panalunin ng mga hurado.

“Actually, habang sinasagot ko, nanginginig po akong talaga. Never kong inisip sa buong career ko kahit makatapat,” bungad sa amin ni Angel ng makatsikahan namin after ng presscon ng “One More Try”.

“Kasi, iba naman po talaga yung talento ni ate Guy.

Alam po nating lahat ‘yan.Pero bilang mas nakakabagong artista, hindi mo rin maiaalis sa amin na umasa.

“Kasi, naniniwala ho kami sa project na ito. Siyempre, ‘yung dedication at confidence na ipinakita ng director namin na sinabi niyang, ‘may laban ang mga alaga ko’ siyempre, nakakatuwa po ‘yun

“Kung sino man ‘yung manalo doon, I think sobrang deserving naman po talaga iyon.

Whether kami man or sa ibang pelikula, nandiyan pa si ate Juday (Judy Ann Santos) na sobrang galing din, di ba?

“Si Ms. Ai Ai (delas Alas), marami po talagang bigatin artista.

Siyempre, hindi n’yo po maaalis sa amin na mag-wish,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, si direk Ruel Bayani rin ang isa sa dahilan kung bakit tinanggap ni Angel ang pelikulang “One More Try” dahil gusto niyang makatrabaho ito at paboritong direktor din daw ito ng namayapa niyang boyfriend na si Mico Sotto at ni Oyo Sotto.

“Lagi niyang (Mico) mini-mention sa akin before na sobrang bait ni direk at marami silang natutunan sa acting at maalaga, at totoo pala talaga lahat ng kuwento niya about direk Ruel,” sabi pa ni Angel sa amin sa pag-alala niya sa pinagsamahan ni direk Ruel at ng yumao niyang boyfriend na si Mico.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: