Skip to content

ANDI: Di pa rin kami okay ni MOMMY!

December 8, 2012

jacklyn joseFeeling daw kasi niya nilaglag at ipinahiya siya ni Jaclyn Jose

Hanggang ngayon pala ay hindi pa nagkakaayos ang mag-inang Andi Eigenmann at Jaclyn Jose, mismong ang aktres na ang nagsabi na may tampuhan pa rin sila dahil sa mga nangyari lately sa pagitan nila at ng pamilya ng dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito.

In fairness naman kay Andi, ipinagtanggol din naman niya ang kanyang ina nu’ng kasagsagan ng issue sa kanila ni Jake at sa ina nitong si Laarni Enriquez, pero dahil din dito ay nagkaroon sila ng tampuhan.

Sa isang episode ng Kris TV, tinanong ni Kris Aquino ang aktres kung may gap pa rin silang mag-ina dahil halata raw ito sa mga kilos niya noong birthday party ng anak niyang si Ellie.

Tumango naman si Andi bilang pagsang-ayon.

Sinabi ng aktres na wala talagang siyang ideya tungkol sa interview ng kanyang ina about Jake at sa mga magulang niyang sina Laarni at dating Pangulong Erap Estrada. Say ni Andi sa Kris TV, “She just told me and Jake when she got home.

Tapos, yung sinabi niya, hindi ‘yon ang lumabas sa interview.

So, medyo na-hurt kami ni Jake, kasi parang nilaglag kami.”

“I honestly said, hindi pa po kami okay.

But I still respect what my mom’s intention was doon sa interview na ‘yon, especially pa, after the interview, I chose to go on TV only to defend someone else’s mom and someone else, and Jake.

Pero at the end of the day, my mom, she’s still there,” pahayag pa ng aktres.

Hindi pa raw handa si Andi na makipag-boyfriend uli, “I don’t think I’m ready.

I don’t want to think kung kailan ako magiging ready. Parang kung darating, e, di darating.

“Pero, I just want to be single and focus on Ellie and my career.

Gusto ko na walang problema, parang free ka,” dagdag pa ng maganda at seksing single mommy.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: