Skip to content

Si LLOYDIE naman ang susunod na ‘wawasakin’ ni ANGELICA

December 6, 2012

john lloyd cruzDati, nu’ng sila pa ni Derek Ramsay ang magkarelasyon, ay walang ibang bukambibig si Angelica Panganiban kundi ang napakasarap daw mabuhay lalo na kapag meron kang minamahal na nagmamahal din sa iyo.

Kahit saan magpunta nu’n si Derek para lumahok sa kumpetisyon ng frisbee ay sumusunod siya, hindi raw naman ‘yun hinihingi ng hunk actor, siya ang nangsosorpresa dito.

Mula sa una hanggang sa huling taon ng kanilang relasyon ay walang reklamong pinalulutang si Angelica, puro papuri kay Derek ang kanyang sinasabi, masarap daw makipagrelasyon kapag hindi masyadong pinagpipistahan ang kanilang pagmamahalan.

Pero ngayon ay iba na ang tono ng kanyang pananalita.

Ngayong sila na ni John Lloyd Cruz ang nagmamahalan ay wala nang pinakamasama para kay Angelica kundi ang kanyang ex na si Derek.

Anim na taon muna ang kanyang pinalipas bago niya nadiskubre ang sinasabi niya ngayon na katangahan niya noon, napakahaba naman pala ng pasensiya ni Angelica Panganiban, matagal pala siyang mapuno.Sana, ang haba ng kanyang pasensiyang ganu’n ay pinaiiral niya sa pagtu-tweet, hindi ‘yung ganyan na meron lang mag-tweet sa kanya ng hindi kagandahang pagpansin ay nagwawala na siya agad.

Kumukulo na agad ang kanyang dugo, bumubula na agad ang kanyang bibig, ganu’n ba ang nagtiis nang anim na taon ng pakikipagrelasyon kay Derek Ramsay?

Sana rin ay huwag na siyang lingon nang lingon sa nakaraan, malaking insulto kay John Lloyd ang kanyang ginagawa, ipinararamdam lang niya sa karelasyon niya ngayon na napakahirap pakawalan ang isang Derek Ramsay.

Dapat ay kay Lloydie na lang siya tumutok, ang kanilang relasyon na lang ang atupagin ni Angelica, baka sakaling bumilang din sila nang maraming tao bago niya madiskubre ang kanyang katangahan nu’ng sila pa ang magkarelasyon.

Kung ano ang mga ginagawa niyang paninira ngayon kay Derek Ramsay na napakamaginoo ay hindi malayong gawin din niya kay John Lloyd kapag hiwalay na sila.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: