Skip to content

BILLY CRAWFORD: Ayokong makipag-live in kay NIKKI!

December 5, 2012

nikki gilNAKAKATUWA naman si Billy Crawford dahil may sarili rin siyang paraan para mag-thank you sa members ng Philippine Movie Press Club pagkatapos manalo ng tatlong malalaking individual awards sa pagiging host niya sa nakaraang Star Awards for TV.

Well-deserved naman niya ang tatlong awards.

Hindi true ang kasabihan kay Billy na kapag masaya ang lovelife,  nagsa-suffer ang career – pareho kasing bongga ang career at lovelife ni Billy ngayong taon.

Mahigit apat na taon na ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Nikki Gil.

Sobrang happy daw sila ni Nikki and can’t ask for more.

Hindi rin naman kapani-paniwala ang tsismis na nagli-live in na sila ni Nikki, “Hindi ako pabor sa live-in, not at all.

Tsaka Nikki is a great Christian, pareho kami. So, walang ganu’n.

Kasal muna dapat bago ‘yung living-in together,” diin ni Billy.

Sa career naman sobrang okey ang noontime show nila sa ABS-CBN na Showtime at may ASAP pa siya pag Sunday.  Bukod diyan, may bagong international album ulit si Billy.

Magpapabalik-balik daw siya sa France (where he gained his international career) at sa Pilipinas.

Pwede raw siyang mawala ng three months tapos balik dito.

Siyempre kailangan din niyang i-promote ang bago niyang album sa France.

At the same time, mahal daw niya ang Pilipinas kaya ayaw niyang umalis ng bansa for good.

Unless, may malaki nga sigurong opportunity abroad para mag-stay siya doon ng matagal and then settle there with wife Nikki.

Wife na talaga, ow? ‘Yan ay kung sakaling magpakasal na si Billy two years from now.

“Of course, napag-uusapan na namin ang tungkol sa kasal.

Like kung ano ang gusto namin sa wedding or sino ang kukuning gagawa ng kanyang gown.

Or, sino ang bestman ko, sinong ganito, sinong ganyan.

But definitely, gusto naming wedding, indoors.

Kasi kapag outdoors, ‘yung risk na baka umulan.

Pero by 2013, wala pa muna yung kasal.

Puwede bang mag-ipon muna kami?” sabay ngiti ni Billy.

One Comment leave one →
  1. khim permalink
    December 8, 2012 6:39 pm

    sana forever na kayu … Goodluck po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: