Skip to content

JINKEE ‘AGIMAT’ ni PACMAN sa boksing

December 2, 2012

Manny PacquiaoSiyempre, para kay Manny Pacquiao (bukod sa Panginoon at sa kanyang inang si Mommy Dionisia), si Jinkee Pacquiao pa rin ang isa sa mga lucky charm niya pagdating sa pagboboksing.

Naniniwala si Pacman na ang kanyang misis ang isa sa mga nagsisilbing “agimat” niya kapag nakikipagsuntukan na siya sa ring.

At siyempre, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na si Pacman sa lahat ng mga nagdarasal para mapatumba niya si Juan Manuel Marquez sa laban nila sa Dec. 9 sa Amerika.

Mismong si Manny pa ang sumundo kay Jinkee sa Los Angeles International Airport gamit ang kanyang black Ferrari sports car.

Sa isang TV interview sinabi ni Manny na na-miss niya nang bonggang-bongga ang kanyang misis, “Excited para sa asawa ko and then excited ako malapit na ‘yung fight!”

Say naman ni Jinkee, “Excited din ako siyempre and I pray to God na we will win this fight.”Anyway, bago ang laban ni Pacman sa susunod na Linggo, tawagin na muna sina nanay, tatay, ate at kuya dahil ang araw na ito ay para sa buong pamilya.

Habang abala si Ninong Manny sa kanyang training para sa nalalapit na boxing match nito kay Marquez, sagot muna ng elite family sa telebisyon ang saya at mga papremyo – ang Manaloto Family!

Bibisita si Pepito (Michael V), bantay-sarado pa ng kanyang asawa na si Elsa (Manilyn Reynes) at bumuntot na rin ang bestfriend nila na si Patrick!

Imbitado rin ang ilang mga pamilya mula sa Cainta, Rizal na nasunugan noong Agosto, kaya si Pepito may dala ring regalo para sa kanila.

Kasama naman sina Protégé Zandra, Ruru at Mickoy ay magpapasikat ang tatlong pamilya ng kanilang talent at ipapahiwatig ang tunay na kahulugan ng Pasko.

Sa Word Champ, makikigulo naman si Joshua Dionisio at Michelle Madrigal.

May dala rin silang noche buena package para sa mga masusuwerteng mabubunot na studio audience.

Sa mas pinasayang Easy Manny, 32 players ang makakapaglaro at isa ang may pagkakataong makakuha ng P 1 million.

Kaya magpakasaya muna ngayong hapon habang hinihintay ang pagbabalik ni Ninong Manny!

Mamaya na ‘yan sa Manny Many Prizes, 2:45 p.m., pagkatapos ng Party Pilipinas.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: