Skip to content

‘Balikang’ KIM-GERALD OK lang kay XIAN LIM

December 2, 2012

kim geraldWALANG katotohanan ang mga chika na sobra-sobrang selos ang naramdaman ni Xian Lim nang magtambal uli sa pelikulang “24/7 In Love” ang rumored girlfriend niyang si Kim Chiu at si Gerald Anderson.

Mismong si Xian na ang nagsabi na wala naman daw siyang karapatang magselos dahil hindi pa naman daw niya girlfriend si Kim, at naniniwala rin siya na mabuting magkaibigan din ang aktres at si Gerald.

Hindi rin daw totoo na natatakot si Xian na magkabalikan ang dalawa matapos nga silang magsama uli sa pelikula, at baka nga naman biglang mawasak ang kanilang loveteam.

May mga nagsasabi kasi na baka nabuhay muli ang pagmamahal nina Gerald at Kim sa isa’t isa.

Nakita rin ng dating magkarelasyon kung paano nabuhayan ng dugo ang mga Kimerald nang mapanood ang kanilang movie.

“Lagi ko namang sinasabi na ‘yung pagsasama nila uli sa pelikula, it’s a big event for Star Magic. I’m happy for them, I’m happy for Star Magic.

Di ba, it’s really big, lahat nagsama for this and it’s very successful?” pahayag ni Xian.

Dagdag pa ng binata, “Congratulations sa kanila! Ang ano lang naman namin, all we want is for people to be happy.

Pero I’m happy for them.”

In fairness, patuloy din namang dumarami ang KimXi fans, at patunay diyan ang napakataas na rating ng kanilang seryeng Ina Kapatid Anak na napapanood pa rin sa Primetime Bida ng ABS-CBN kung saan kasama rin nila sina Enchong Dee at Maja Salvador, with Janice de Belen, Ariel Rivera at Cherry Pie Picache, “Grabe ‘yung support nila sa amin, kaya thank you sa lahat,” say ni Xian.

Hirit pa nito sa isang interview, “Nakikita ko talaga na tuwang-tuwa sila just to see us or just to see the story unfold.

So, it’s something na talagang tutok sila.

Actually, I never expected na ganito ang ibibigay nilang suporta sa amin ni Kim.”

Inamin ng binata na habang tumatagal ay mas lalo siyang napapalapit kay Kim, ngayon nga raw hindi lang sila sa trabaho nagkakasama, kung minsan ay nagba-bonding din sila sa iba’t-ibang sports activities at acting workshops.

At dahil diyan, mas lalo raw silang nagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa na nakakatulong para mas maging maganda ang maipakita nila sa publiko bilang loveteam.

“I found out a lot of things na doon pa rin bumabagsak, sa trust.

We trust each other na ‘yung comfortability namin, simula sa first soap ko, di ba, hanggang sa ongoing soap, siya pa rin ‘yung kasama ko.

Meron nang special trust.

At kapag magkaeksena kami, hindi niya ako pinababayaan,” esplika pa ng aktor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: