Skip to content

CRISTINE, RAYVER naghiwalay uli, si DEREK na naman ang sinisisi

December 1, 2012

cristine reyesNabuking na ‘nag-date’ sa isang resort sa Batangas

For the nth time ay nag-break na naman sina Rayver Cruz at Cristine Reyes at nauna nang na-interview ang aktor tungkol dito at mariin niyang itinanggi ang balita, lagi naman daw silang nababalitang hiwalay na kaya hindi na bago sa kanya ang isyu.

Totoo naman talaga, hindi na bago ang balitang hiwalay na ang dalawa pero sa pagkakataong ito ay sana magpakatotoo na sina Rayver at Cristine at aminin na nila ang totoo, unless may pinagtatakpan na naman sila.

Anyway, si Derek Ramsay ang itinuturong dahilan nang kanilang hiwalayan dahil parati raw nag-uusap ngayon ang aktor at si Cristine at nagkita pa raw sila sa isang resort sa Batangas noong Okt. 31 hanggang Nob. 1 gamit ang van ni Rayver na kasalukuyang wala sa bansa dahil sa Kapamilya tour.

Inamin ito ng taong malapit kina AA at Derek, “Yes, nagkita sila, si Cristine nandoon daw kasi may nabili siyang unit worth P4 million plus while Derek naman was with his family for a vacation.

May membership si Derek doon kasi he was once an endorser of that place. “Nang magkita sila, nagkagulatan nga, tapos nabanggit na ni Cristine na may nabili siyang unit, ipinakilala na nga ni Derek si Cristine sa family niya.

All throughout naman kasama ni Derek ang family niya at si Alexa (Amos, current girlfriend ng aktor) kaya imposible ang iniisip mo,” pagtatapat sa amin ng taong nakakitang magkasama ang dalawa.

“Totoong textmates sila kasi naaliw si Derek kay Cristine kasi jologs, e, alam mo naman si Derek, madaling natutuwa sa mga ganu’ng tao,” kuwento pa sa amin.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: