Skip to content

ANNE: Naku, hindi naman ako mang-aagaw ng asawa, ‘NO!

December 1, 2012

anne curtisMAY bago na namang product endorsement si Anne Curtis, ang Living Water Refilling Station.

Dahil diyan kaya binansagan siya ngayon bilang Dyosa ng Tubig.

Patunay lang ito na talagang siya lang ang pwedeng sumunod sa yapak ni Kris Aquino bilang Queen of all Media.

Sa launching niya as endorser ng nasabing produkto nakausap namin si Anne sa kanyang dressing room kasama ang CEO ng Living Water na si Beylene Prades.

Si Anne raw ang nag-top sa survey nila among the lists of celebrities na pwede nilang maging endorser.

“It’s so important for me na may good quality at mahusay ang product bago ako pumayag na mag-endorse kasi I know this will reflect personally on me, talagang I make sure na pinaniniwalaan ko ‘yung product dahil ayokong lokohin ang mga tao,” ayon kay Anne.

Looking forward naman ngayon si Anne sa nalalapit na bakasyon niya sa US kasama ang kanyang pamilya. Hiwalay muna sila ng boyfriend niyang si Erwan Heusaff ngayong Pasko.

Naniniwala kasi si Anne na Christmas is the time for family talaga.

Kaya si Erwan join din muna sa kanyang family.

And then, sa New Year susunod naman ang binata kay Anne sa Amerika.

Bukod sa Showtime, tuluy-tuloy lang ang taping ni Anne sa serye nila nina Kris Aquino at Robin Padilla, ang Kailangan Ko’y Ikaw na ipalalabas na sa unag quarter ng 2013.

Confrontation scenes na raw ang mga kinukunan sa kanila ni Kris.

And so far wala pa naman daw silang love scene ni Robin sa  serye.

“So far wala pa. Kasi nga sa istorya I’m younger tapos may crush pa lang ako sa  kanya,” kwento ng TV host-actress.

Palagay naman ni Anne walang dapat ipagselos sa kanya ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez kapag ginagawa na nila ang mga maseselang eksena.

“The mere fact that they’re married, that already says a lot.

That’s a big commitment alone.

At nakikita naman ni Ma (palayaw ni Mariel sa showbiz) kung gaano kami kasaya sa sari-sarili naming buhay.

Hindi naman ako mang-aagaw ng asawa nang may asawa! Ha-hahaha!” sabi pa ni Anne.

One Comment leave one →
  1. grace edano permalink
    December 1, 2012 10:09 pm

    she is beautiful lady

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: