Skip to content

SARAH kay RICHARD: Ang relasyon namin hindi loko-lokohan lang!

November 30, 2012

sarah richardSobrang sweet at ‘funny’  ang kauna-unahang BF

“SOBRANG nakakatawa siya!” Ito ang paglalarawan ng Kapuso star na si Sarah Lahbati kay Richard Gutierrez na sinasabing kauna-unahan niyang boyfriend.

Nakachikahan namin si Sarah sa ginanap na GMA Network trade launch nu’ng Miyerkules nang tanghali at kitang-kita nga namin ang sobrang kaligayahan niya sa piling ni Richard.

At in fairness ha, ang sexy-sexy na rin niya ngayon.

Say ni Sarah, napakarami pa niyang nadi-discover kay Richard, and so far, puro magagandang katangian naman daw ito, as in wala pa siyang nakikitang sablay na ugali ng  Kapuso actor.

“Hindi kasi alam ng mga tao na very funny siya.

Kapag kilalang-kilala mo na siya, grabe ang sense of humor niya, as in talagang nakakatawa.

Hindi ko in-expect na ganu’n ‘yung character niya,” pahayag pa ni Sarah. Bukod dito, sobrang sweet daw ng kanyang boyfriend, “Unpredictable kasi siya, mahilig siyang mang-surprise, ang sweet talaga niya.

At bilang ganti naman, dahil mahilig akong mag-bake, ginagawan ko siya ng carrot cupcake.

Pero wala pa akong nalulutong talagang pagkain sa kanya kasi hindi pa ako ganu’n kagaling,” kuwento pa ng Kapuso actress.

At dahil first boyfriend nga ni Sarah si Richard, tinanong namin siya kung ano ang mga nagbago sa pang-araw-araw na buhay niya?

“Lets just say na marami po akong natututunan sa relationship namin (six months na).

Dati, my life is very typical, like I go to school, then go back home, hang out with my friends.

Ngayon ibang-iba na.”

Pero dinenay naman niya na grabe kung gwardiyahan siya ni Richard dahil sobrang selosa raw ito?

“Ha-hahaha! Boyfriend ko naman siya, hindi bodyguard.

Tsaka, seloso raw siya kung may rason, pero wala naman siyang dapat ipagselos!

Walang ganun! Kumbaga, masanay na sila na magkasama kami, natural lang naman siguro ‘yun sa isang couple,” say pa ng dalaga.

Pahabol pa ni Sarah, “Masayang-masaya kami.

Hindi naman laro sa amin ‘to.

Ayaw namin ng laro-laro lang.”

Wala pang bagong teleserye sa GMA 7 si Sarah, pero ginagawa na niya ang pelikulang “Seduction” sa direksiyon ni Peque

Gallaga kung saan kasama rin niya si Richard at Solenn Heussaff.

Say ni Sarah masisindak daw ang lahat sa mga gagawin nila ni Richard sa movie.

As in shocking daw ito!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: