Skip to content

Pagpapa-cute ni HAYDEN wala nang epek kay BELO

November 30, 2012

hayden vickyAnumang paglalambing ang gawin ngayon ni Hayden Kho kay Dra. Vicki Belo ay mukhang wala nang kaepek-epek sa doktora.

Sa wakas ay nakayanan ding talikuran ni Dra. Vicki ang masalimuot niyang karanasan habang karelasyon ang doktor na tinanggalan ng titulo.

Kuwento ng aming impormante ay maayos na maayos na naman ang relasyon ng doktora sa kanyang mga anak na sina direk Quark Henares at Cristalle, palagi na naman silang magkakasama sa pagbiyahe ngayon sa iba-ibang bansa, nu’ng sila pa ni Hayden Kho ay malapit na silang magkasaulian ng kandila ng magkapatid.

“Ibang klase kasing magmahal si Dra. Vicki, ibinibigay niya ang lahat-lahat, too attached siya pati sa family ng karelasyon niya, kaya nahihirapan siyang bumaklas.

“Napakatagal bago siya naka-move on sa break-up nila ni Hayden, halos literal niyang ikinamatay ‘yun, napakasakit naman kasi talagang malaman na despite ng mga ginagawa niyang pagmamahal, e, napakarami naman pala niyang kasabay sa buhay nu’ng lalaki.

“Ngayon, e, masaya na si Dra. Vicki, buong-buo na uli ang family niya. Ngayon siguro, e, mas malinaw na sa kanya na kapag nag-iisa na lang tayo sa laban, ang pamilya lang ang puwede nating takbuhan,” kuwento ng aming impormante.

Napakarami nang kung ano-anong uso na may kinalaman sa pagpapaganda, napakarami nang clinic diyan na nag-aalok ng kung ano-anong serbisyo ngayon, pero nananatiling matatag ang kompanya ni Dra. Vicki Belo.

Sabi ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez, “Vicki is a good soul.

Wala siyang masamang buto sa katawan, she’s always been nice and so fair.

That must be the reason why she’s still there, siya pa rin ang number one,” nakangiting pahayag ng napakagandang kinatawan ng Ormoc City.

Oo nga naman.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: