Skip to content

Nanay ni ANGELINE QUINTO umaming nagdroga, napariwara ang buhay

November 28, 2012

‘Pero hindi ko naman po ipinagbili ang anak ko!’  

NAGSALITA na ang biological mom ni Angeline Quinto na si Rosemarie “Susan” Mambao sa tunay na dahilan ng pagkakahiwalay nila ng anak na singer sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV.

Nasa tiyan pa lang pala ni Nanay Susan si Angeline ay “hiningi” na siya ng  kinilalang Mama Bob ng singer.

Pumayag naman si Nanay Susan na ibigay si Angeline kay Mama Bob dahil kampante siya na maaalagaan nito ang kanyang anak.

Kesa naman daw sa kanya na magulo ang utak noong mga panahong ‘yun at baka mapabayaan lang niya si Angeline.

Hindi niya ibinenta si Angeline kay Mama Bob pero inamin niya na tinanggap niya ang perang ibinigay sa kanya ng umampon sa kanyang anak para may panggastos si Nanay Susan.

Alam daw kasi ni Mama Bob na mahihirapan si Nanay Susan mabuhay dahil kapapanganak lang nito.Nakipaghiwalay right after makapanganak si Nanay Susan sa ama ni Angeline na tinawag niyang Papa Pop.

Pero sinuyo raw ulit siya ng ama ni Angeline kaya nagkabalikan pa’t nagkaanak, ang kapatid niyang si Rudy.

Pero ‘di rin nagtagal iniwan ulit ni Nanay Susan ang kanyang mag-ama.

This time, sinabi ni Nanay Susan na drugs ang dahilan kaya iniwan niya ang ama ni Angeline.

Gusto na raw kasing tumigil sa paggamit ng droga ang ina ng singer-actress kaya iniwan niya ang kanyang asawa.

Bukod kay Angeline at Rudy, may nauna pang anak si Nanay Susan sa isang Hapon dito sa Pilipinas.

At nagkaroon pa ng anim na anak na nasa Batangas pagkatapos ng relasyon nila ng ama ni Angeline.

Sa ngayon, nakatira si Nanay Susan sa kanyang ina at kamag-anak sa Bacoor, Cavite.

Noong nagkita nga kami ni Angeline sa Star Awards for TV nabanggit namin sa kanya na nakita na namin kung saan nakatira ang kanyang Nanay Susan, sa same subdivision na tinitirhan namin.

Pinahanap kasi niya sa amin kung saan eksakto ang bahay ng kanyang biological mom which we did noong ikuwento namin sa kanya na doon din kami nakatira.

Again, ‘yung tiwala ng mga artista to open up ay nakuha uit ni Kris sa kaso ni Angeline.

No wonder she won the award as Best Female Celebrity/Showbiz-Oriented Program Host sa nakaraang Star Awards for TV.

This week, balik taping ang TV host para sa serye nila nina Robin Padilla and Anne Curtis at shooting naman siya bukas ng movie nila nina Vice Ganda at Ai Ai delas Alas na “Sisterakas.”

On Saturday, pupunta si Kris sa wedding ni Atty. Nancy Quimpo sa Taal Vista. And even on Sunday work pa rin siya para sa taping muli ng Kris TV.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: