Skip to content

MATTEO wala nang balak balikan si MAJA, dedma muna sa babae

November 28, 2012

Baka naman bigla na lang pumasok sa seminaryo

WALANG balak si Matteo Guidicelli na ligawan uli si Maja Salvador.

Ito ang sinabi ng Kapamilya actor sa ilang members ng entertainment press na dumalo sa special screening ng makabuluhang pelikulang pinagbibidahan niya, ang “Paglaya Sa Tanikala” na isa sa mga official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival New Wave category.

Ayon kay Matteo relax lang daw muna ang lovelife niya, wala rin daw siyang nililigawan ngayon.

Actually, nahihiya nga raw siya kay Maja dahil medyo matagal na silang nagkahiwalay, pero hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang intriga sa kanila.

“Now, siguro pahinga muna sa lovelife, basically, I’m really concentrating sa trabaho ko ngayon at sa mga sports ko.

Talagang wala na akong time and concentrate with the things that you really love. That’s important.

“Aside kasi sa soap opera naming Paraiso (with Jessy Mendiola) sa ABS, ito nga, malapit nang ipalabas ang pinaghirapan naming pelikula, ang ‘Paglaya Sa Tanikala’.

I’m very excited about it kasi nga nakasali kami sa MMFF,” paliwanag pa ng aktor.

Pero totoo ba na dahil sa mga sports niya kaya sila naghiwalay ni Maja?

Lagi raw kasi nila itong pinag-aawayan noon dahil nawawalan na nga siya ng panahon sa dati niyang girlfriend?

“No naman. Not true at all. ‘Yung mga priorities lang naman in our life right now, in our age, are very different.

So, we decided to go our separate ways.

But Maja and I are still friends and we still talk, at ‘yun naman ang mahalaga, hindi kami nag-aaway, we’re okay,” sabi pa ni Matteo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: