Skip to content

Gwapong French guy laging nakatambay sa condo ni KC

November 28, 2012

NANINIWALA kaming boyfriend na nga ni KC Concepcion ang sinasabing French suitor niyang si Pierre Emmanuel Plassart.

May nakapagtsika kasi sa amin na regular guest ni KC si  Pierre when he was here.

Palagi raw itong nakatambay sa condo ng singer-actress sa One Serendra sa The Fort.

Palaging magkasama ang dalawa kapag dumarating and by the way they behave daw na parang they’re not just friends but lovers.

True ba ito, KC?

Anyway, bukod sa madalas na magpunta sa condo ni KC si Pierre ay matagal din daw itong mag-stay roon.

Mukhang enjoy na enjoy talaga ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang bagong inspiration.

KC just came from a holiday trip and she was surprised when Pierre came to see her in Italy.

Nag-post ng Instagram photos ang cousin ni KC na si Ciara Sotto kaya naman marami ang nakakita na magkasama sila. Nag-dinner ang dalawa kasama si Ciara at ang dyowa nitong si Jojo Oconer.

Playing coy si KC when asked kung na-meet na niya ang pamilya ni Pierre.

Todo-iwas ito sa tanong and said na hindi niya type pag-usapan ang kanyang lovelife.

She wants to keep it to herself na lang daw muna dahil hindi rin naman showbiz ang guy.

Yes, me gano’n na siyang drama, ha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: