Skip to content

DANIEL sinapok, sinabunutan, pinagkukurot sa mukha

November 28, 2012

Hindi lang pinagkaguluhan ng mga taga-Butuan

Hanggang sa  kwarto sinugod ng mga fans

TULAD ng pangako namin noong Lunes, narito ang mga karagdagang kuwento tungkol sa nakaraang show ni Daniel Padilla sa Butuan City kung saan nakasama rin niya ang komedyanteng si Kim Idol.

Grabe! Talagang nanakit ang buong katawan namin sa event na ‘yun na ginanap sa Almont Inland Resort hall.

Matagal nang hinihiling ng mga taga-Butuan na bumisita naman sa kanila ang mga bida ng Princess And I kasama sana si Kathryn Bernardo, kaso hindi naman nagtugma ang schedule nila ni Daniel kaya ang batang aktor lang ang nag-show doon.

Sa Urios Gym sana gaganapin ang show ni Daniel para mas maraming tao ang makanood, pero aabutin pa raw ng 30 minutes ang travel patungo roon mula sa siyudad at inisip din ng producers ng show sa pangunguna ni Mary Ann Adiong-Gener kasama ang mga kapatid niya, ang safety ng bagets kaya sa loob na rin mismo ng resort ginanap ang show kung saan umabot sa 5,000 ang nanood gayung 2,000 lang ang capacity ng venue. In fairness, malamig naman lugar kaya hindi pinagpawisan ang mga tao.At heto pa bossing Ervin, halos lahat ng mga anak ng mayor ng bawa’t town hanggang Agusan del Norte ay nag-check in din sa resort kung nasaan si Daniel para makita at makapagpa-picture sa binata during the show, kaso hindi namin alam kung napagbigyan silang lahat dahil nagkagulo na talaga.

At nang ipakilala na ni Kim Idol si Daniel ay sigawan talaga ang lahat at pagsampa niya sa stage ay mas lalong naging wild ang audience dahil wala na kaming narinig kundi hiyawan, padyakan ng mga dalagitang gustung-gusto ang batang aktor at ‘yung mga nasa likod ay biglang napunta sa harap kaya awang-awa kami sa mga nasa harap dahil nagkasugat-sugat at nagkandaipit-ipit sila.

Maging ang mga producer ay nabalian ng takong ng sapatos kaya’t nakapaa na lang sila para tumulong din sa mga dalagitang nagkakagulo na.

Parang katulad din ng nangyari kay Justin Bieber nang pumunta siya ng Pilipinas ang inabot ni Daniel sa Butuan na halos lahat ng kababaihan ay nag-iiyakan na at nagtatatalon nang makita siya.

Heto pa, hindi na nagawang tapusin ng binatilyo ang CD signing niya dahil nagkagulo na dahil imbes na magpa-picture habang pumipirma ng album ang batang aktor ay ilang beses siyang hinalikan, pinanggigilan, kinurot sa pisngi at sinabunutan.

Meron pa ngang isa na sinasapok na siya mabuti na lang at naagapan agad.

Humingi ng dispensa ang batang aktor pati na ang organizers na kailangang ihinto na ang show dahil sa nanyagyaring kaguluhan at agad na siyang inilabas sa backstage pero naharang pa rin siya ng fans at hayun, puro kalmot at sapok ang inabot niya, maging ang katotong Kristina Orfiano ay nagkapasa-pasa sa kakasalo sa mga kamay ng gustong hablutin ang batang aktor.

Kaya imbes na dumalo si Daniel sa dinner after the show, nagkulong na lang siya sa kuwarto dahil marami pa ring nakaabang na fans sa kanya.

Nadala na namin sa Butuan City sina Richard Poon, Markki Stroem, Erik Santos at Sam Milby pero payapa naman silang nakakalabas-pasok sa resort kaya laking gulat ng lahat ng si Daniel na ang mag-show, dahil kinailangang may dalawang security na nagbantay sa labas ng kuwarto niya hanggang kinabukasan.

Heto pa bossing Ervin, patungo na kami ng airport kinabukasan pabalik ng Maynila ay hindi pa ring magawang lumabas ni Daniel ng kuwarto sa rami ng tao, kaya walang choice ang manager ng resort kundi papasukin ang SUV na susundo sa binatilyo kesehodang masira ang bermuda grass ng resort.

At pagdating naman ni Daniel ng Maynila ay diretso naman siya sa pictorial para sa isang endorsement.

Kaya nga humingi na raw si Daniel ng bakasyon ngayong Disyembre para makapagpahinga kasama ang mga kapatid at inang si Karla Estrada patungong Hongkong.

Doon na sila magpa-Pasko hanggang Bagong Taon.

Samantala, nagpapasalamat naman ang buong entourage ni Daniel sa Adiong Family para sa maganda at maayos nilang pagdala sa amin sa Butuan City.

One Comment leave one →
  1. cez permalink
    November 30, 2012 1:24 am

    Grabe ang hatak ni DJ sa tao siya na talaga, pinagpapala talaga ang mabait na anak at kapatid😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: