Skip to content

WALLY: Si JOSE, ganu’n pa rin, hindi naman siya yumabang o umangas!

November 27, 2012

Ipinagtanggol sa mga nagsasabing suplado at mayabang

Ipinagtanggol ni Wally Bayola ang partner niya sa pagpapatawa na si Jose Manalo sa mga nagsasabing walang utang na loob at sobrang yumabang na raw ang TV host-comedian.

Ayon kay Wally, kung ano raw si Jose noon ay ganu’n pa rin daw ito ngayon. isang malaking kasinungalingan daw ang isyung lumaki na nang bonggang-bongga ang ulo nito.

Habang tumatagal nga raw ay mas nagiging humble pa ang kanyang partner.

May mga kuwento na marami raw ang nagagalit sa kanila ni Jose kapag ginagawa nila ang isang segment sa Eat Bulaga kung saan sumusugod sila sa mga barangay, madalas daw kasi ay iniisnab nila ang ilang mga kababayan natin.“Siguro ‘yun ‘yung mga tumatawag sa amin na hindi namin naririnig, kasi nga di ba, kapag nasa barangay kami, meron kaming ear plug, ginagamit namin ‘yun para marinig namin sina Bossing (Vic Sotto) sa studio.

Hindi naman namin pwedeng basta alisin ‘yun sa tenga namin,” paliwanag ni Wally.

“Hangga’t kaya namin, talagang nakikipag-usap kami sa mga dabarkads natin sa mga barangay na sinusugod namin, so, hindi naman totoo na hindi kami namamansin o nagsusuplado kami.

Du’n naman sa mga dabarkads natin na hindi na namin napapansin, pasensiya na po kayo hindi namin sinasadya,” sabi pa ni Wally.

Anyway, mapapanood n’yo na bukas (Nov. 28) sa mga sinehan ang latest movie nina Wally at Jose, ang “D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?!” sa direksiyon ni Soxie Topacio.

Hindi naman naging hadlang ang agwat ng estado ng career nila kina Bossing Vic, Maricel Soriano, Roderick Paulate, Michael V, Allan K, Kuya Germs at Aljur Abrenica para suportahan sila sa pelikula nilang ito.

“Mananatiling bahagi na ng career ko sina Jose at Wally.

Alam kong may kalalagyan ang natural nilang birit sa pagpapatawa.

Ilang beses kong napatunayan ang galing nila dahil ako mismo ay natatawa sa kanila.

“Alam ko rin ang hirap na pinagdaanan nila bago makilala sa larangan ng komedya.

Kaya saludo ako sa kanilang dalawa at basta kaya natin, hinding-hindi ko ipagkakait ang suporta sa kanila!” pahayag ni Bossing.

“Ay, nakakaloka ang dalawang ‘yan! Seryosong tingnan pero kapag bumanat nan g pagpapatawa, pati ako mabaliw-baliw talaga!

Mahal ko ang dalawang ‘yan kaya pag kinailangan nila ako, go lang nang go!” say naman ni Maria na may bonggang papel din sa movie.

Say naman ni Aljur, “Nu’ng una akong ginaya ni Kuya Jose, sa halip na mainis ay na-amuse ako sa kanya.

Hindi ko minasama ng loob ‘yon.

“At least ngayon, nagmarka pa ‘yon sa tao kaya pag may oras, naglalaan ako ng oras para maging guest sa mga show nila.

Naku, abangan nila ang batuhan namin ng linya sa ‘D Kilabots’ dahil sasakit talaga ang panga nila sa katatawa.”

Makakasama rin sa “D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?!?” sina Pokwang, Solenn Heussaff, Paolo Ballesteros at Gina Pareño.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: