Skip to content

LOVI nag-iiyak pagkatapos maghubad at makipaglaplapan sa shooting

November 27, 2012

INIYAKAN pala ni Lovi Poe ang mga maiinit na eksena niya sa pelikulang “The Bride And The Lover” sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Ayon kay Lovi, talagang hindi niya kinaya ang ilang maseselang eksenang ipinagawa sa kanya.

Makakasama ni Lovi rito sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino.

Kuwento ng aktres, hindi raw niya akalain na ganu’n ang mga ipagagawa sa kanya ni direk Joel, pero aniya, may tiwala naman siya sa kanilang direktor kaya ginawa pa rin niya kahit na sobra ang nerbiyos na naramdaman niya.

“Hindi ko siya kinaya. No, honestly I cried after. Then this one is just… sabi ko nga after this I wanna rest muna from it, from doing sexy and stuff first siguro.

Medyo na ano ako, nabigla,” say pa ni Lovi.

Wala pa ring pahinga si Lovi hanggang ngayon, dahil bukod sa nasabing pelikula, kasali rin siya sa 2012 Metro Manila Film Festival entry na “Thy Womb” at “Shake, Rattle, & Roll XIV”. Idagdag pa ang patayan din nilang taping para afternoon series nila ni Rocco Nacino sa GMA na Yesterday’s Bride, na napapanood pa rin pagkatapos ng Eat Bulaga.

Inspired magtrabaho si Lovi para sa nasabing serye dahil puro magaganda ang natatanggap niyang comments mula sa mga nakakapanood nito.

Bukod kay Rocco kasama rin nila sa Yesterday’s Bride sina Luis Alandy, Ara Mina, Karel Marquez at marami pang iba.

“I’m happy naman sa nangyayari and marami naman sumuporta kaya nagpapasalamat ako.

I think it’s very interesting.

Siyempre lahat naman tayong mga Filipino masarap ma-in love, ganyan, and ‘yung love ni Andrea (her role) at saka ni Justin (Rocco) parang it is so unforgettable.”

At base sa mga nakakarating na chika sa amin, mukhang totoo nga na nagkakamabutihan na sina Lovi at Rocco, hindi lang namin sure kung gimik lang ito, pero ayon sa balita, in love na raw ang hunk Kapuso actor sa kanyang leading lady.

Kaya sorry na lang kay Sheena Halili na matagal nang nali-link kay Rocco.

Anyway, para sa mga sumusubaybay sa Yesterday’s Bride, narito ang mga eksenang hindi n’yo dapat palagpasin: Hindi napigilan ni Celso ang sarili niya at nahalikan niya si Lorraine (Lovi). Magugulat naman si Lorraine sa nangyari pero hindi niya maitatanggi na gusto niya rin si Celso. Aaminin ni Celso kay Lorraine na mahal niya ito at handa siyang maghintay hanggang sa maging handa na ito.

Dahil sa laging pag-aalaga ni Sabrina kay Addie, iniisip tuloy ni Justin kung pagbibigyan na ba niya ang sarili na magmahal ulit o mananatili ba siyang tapat sa pagmamahal kay Andrea.

Tuluyan na nga bang kakalimutan ni Justin si Andrea?

Sa pagkukrus naman ng landas nina Andrea at Josie (Ara Mina), wala nang maalala si Andrea.

Matutuklasan ni Josie na meron itong amnesia.

Samantala, sasagutin na ni Lorraine si Celso.

Matutuklasan naman nito na binisita ni Josie si Lorraine.

Maghihinala tuloy siya na baka may alam si Josie sa tunay na pagkatao ni Lorraine.

Natatakot si Celso na kapag nalaman ni Lorraine ang totoo ay iwanan siya nito.

Pero dahil sa matinding pagmamahal niya kay Lorraine, iimbestigahan pa rin ni Celso si Josie.

Mas gusto pa rin ni Celso na mapunta si Lorraine sa tunay nitong pamilya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: