Skip to content

Kayamanan ng daw ni AI AI ang habol ng bagets na dyowa

November 27, 2012

Totoo  kaya na ginagamit lang ang Comedy Queen?

IDINIPENSA agad ni direk Wenn Deramas ang best friend niyang si Ai Ai delas Alas sa chismis na pinatulan lang ang komedyante ng bago niyang boyfriend dahil sa pera nito.

Marami kasing nag-iisip na datung lamang ng comedienne ang habol sa kanya ng negosyanteng si Jed Salang, bagay na kinontra ni direk Wenn.

Ang sabi ni direk, ubod ng yaman ang angkan ng dyowa ni Ai Ai. Meron itong pag-aaring car company na siya mismo ang nagma-manage.

Sabi pa ni direk Wenn, baka may ibang dahilan kung bakit nagustuhan ang komedyante. Maaari raw na nagandahan ang boyfriend nito o kaya nabaitan kay Ai Ai.

Well, bakit nga sa tuwing may bagong boyfriend si Ai Ai na mas bata sa kanya ang palaging issue ay pera?

Parang pinalalabas nila na walang ibang pwedeng habulin ang isang lalaki kay Ai Ai kundi ang datung nito.

Pero kung totoo man na pera lang ang habol ng guy kay Ai Ai, e, ang mahalaga masaya ang Comedy Queen sa kanyang personal na buhay ngayon.

E, ano kung may involved na pera, malay n’yo naman, eventually, ang kagandahan at ang kabutihan ng puso ng komedyana ang mas lalong magpatibay ng kanilang relasyon, di ba?

Ika nga, walang basagan ng trip, kanya-kanyang emote lang ‘yan sa buhay.

At feeling ko naman, may pagmamahal talagang involved sa kanilang relasyon na ilang buwan na ring tumatagal.

One Comment leave one →
  1. keaty.garcia@yahoo.com permalink
    April 12, 2013 8:03 pm

    hanggang may pera mamahalin nya si mama Ai-ai mundo man ay magunaw. alisin mo ang pera ni Ai, mamahalin pa rin ba sya ni Jed? C Tiya Pusit hindi mapera pero ano ap alagay nyo mahal ba sya talaga ng bf nya ngayon? ako palagay ko mahal na mahal na mahal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: