Skip to content

Hindi ako manghihingi ng limos kay COCO! — KATHERINE LUNA

November 26, 2012

Kahit pinabayaan at ayaw sustentuhan ang anak

Wala pang isang buwang nakapanganganak ang magaling na aktres na si Katherine Luna nang maging guest namin siya sa Ang Latest nu’ng nakaraang Sabado.

Pero impis na ang kanyang tiyan, parang hindi naman siya nagdalantao nang siyam na buwan at kapanganganak lang sa lutang pa rin niyang kaseksihan at kagandahan, ang tanong tuloy namin nina Congresswoman Lucy Torres-Gomez, Mr. Fu at Amy Perez ay kung saan niya inilagay ang bata habang nagbubuntis siya.

Ikalimang anak na ito ni Katherine, kaya nagdesisyon na siyang magpatali, gusto na niyang magtrabaho nang tuloy-tuloy para makatulong siya sa pagtatrabaho sa ama ng kanyang mga anak.

Ang kanyang panganay na si Nicole ay anak ng magaling na aktor na si Coco Martin, nu’ng ipanganak niya ang kanilang anak ay dumalaw pa ang sikat na aktor, pero pagkatapos nu’n ay hindi na sila nagkaroon pa ng komunikasyon.

Hindi pinadadalhan ng sustento ni Coco si Nicole, pitong taon na ang bata pero ni singkong duling sabi nga ni Katherine, ay wala itong tinatanggap mula kay Coco na milyonaryo na ngayon. “Wala po talaga, as in, zero.

Ayoko namang ipagpalimos ang anak ko kaya hindi na lang ako kumikibo, nakakaraos naman kami sa kung ano lang ang nandiyan.

“Wala siyang kusa, kahit kumustahin nga lang si Nicole, e, hindi niya magawa.

Okey lang po, ayoko namang magmukhang kawawa ang anak ko

Nakakaawa na nga siya ng ganyan na parang hindi kinikilala ng tatay niya, ipagpapalimos ko pa ba siya ng sustento?” lumuluhang pahayag ni Katherine.

Sa tanong kung ano ang mensaheng gusto niyang iparating kay  Coco Martin ay isa lang ang sinabi ni Katherine Luna habang umiiyak, “Wala pong iba.

Ang mayakap lang sana niya ang anak niya.”Nakakalungkot.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: