Skip to content

GERALD: Huwag nating madaliin ang pag-ibig, darating din ‘yan!

November 26, 2012

Sumusumpa na wala pang ipinapalit kay Sarah

NANININDIGAN si Gerald Anderson na wala talaga siyang lovelife ngayon.

Ayon sa kapamilya actor nauubos ang oras niya ngayon sa pagtatrabaho, pero siyempre, hindi pa rin naman daw niya nakakalimutan ang mag-relax kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ngayong wala raw siyang girlfriend at wala ring nililigawan, mas nabibigyan niya ng panahon ang kanyang mga kaibigan.

In fairness, mukhang enjoy na enjoy nga si Gerald kasama ang kanyang mga friends sa showbiz, tulad nina Rayver Cruz.

Kitang-kita ‘yan sa mga pino-post niyang pictures sa kanyang Instagram.

Ito ba ang sagot para mas mabilis siyang maka-move on (pagkatapos ng naunsiyaming relasyon nila ni Sarah Geronimo)? “Oo naman.

Pero siyempre, kumbaga, ganon talaga buhay e. Kailangan mo gumawa ng paraan para [maka move on], kung heartbroken ka man o may pinagdadaanan ka sa buhay.

And being with my friends is my way of staying real e.

Yun ang humihila sa akin to keep my feet on the ground.

Sobra talaga kaming tight.At tungkol naman sa pagkakaroon uli ng girlfriend, “Thank you talaga sa concern n’yo.

But sabi ko nga, let’s not rush it, hindi naman kasi minamadali o pinipilit ang mga ganyang bagay.”

Busy ngayon si Gerald sa shooting ng bago niyang pelikula, ang “OTJ” kung saan makakasama niya si Piolo Pascual.

Ibang-iba na naman ang itsura ngayon ng aktor na kailangan daw sa nasabing pelikula, “Ang role ko dito isa akong preso na magiging professional killer.

Si Piolo ‘yung counterpart ko na isa namang NBI agent.

Kung anong look ko ngayon ‘yun ang look ko sa movie.

Marami kaming preparation—mula sa physical look, costume, sa training, at pati emotionally kailangan ready din kami,” pahayag ni Gerald sa isang interview.

Bad boy na bay boy ang dating ni Gerald sa pelikulang ito, “Oo, iba talagang experience ito.

I am very excited kasi iba yung story at iba yung atake na gagawin.

Kaya nga nu’ng mabasa ko ‘yung script, sabi ko, ‘Yeah, let’s do this!’”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: