Skip to content

DANIEL PADILLA nagdala ng matinding bagyo sa BUTUAN

November 26, 2012

BUTUAN City — Eksaktong alas-otso ng umaga dumating si Daniel Padilla sa NAIA Terminal 3 para sa 9 a.m. flight niya patungong Butuan City para sa “Hinahanap-Hanap Kita” provincial show niya kasama si Kim Idol dito sa Almont Inland Resort.

Sa Terminal 3 pa lang ay pinagkaguluhan na ang lead actor ng seryeng Princess And I ng ABS-CBN at talagang hindi siya pinakawalan ng mga tao roon hangga’t hindi siya nagpapa-picture.

Halos hindi na makadilat sa antok ang batang aktor dahil ilang araw na raw siyang walang tulog dahil talagang lagare siya sa taping at shows.

At pagdating naman sa Butuan airport kahapon ay talagang sinalubong si Daniel ng mga bagets niyang supporters at sabi nga sa kanya ng mayor ng Butuan City na si Ginoong Ferdinand Amante Jr., “You bring storm here in Butuan,” at nagbigay galang naman ang batang aktor.

Awang-awa kami bossing Ervin sa bagets dahil maski na pinalibutan na siya ng production staff ay nagawa pa rin siyang hilahin para kunan ng litrato at pisilin ang mga braso.Idiniretso kaagad si Daniel sa Almont Inland Resort at hindi pa nakakapaghubad ng sapatos ay bumagsak na sa kama at tulog at hindi na nagawang kumain ng tanghalian at nagbilin na lang ang handler niyang si Luz Bagalacsa na huwag nang gisingin para makabawi ng puyat.

As of this writing ay kasalukuyang tulog pa rin si Daniel bossing Ervin kaya hindi pa namin siya nakakatsikahan para tanungin tungkol sa plano niya ngayong Disyembre dahil balita namin ay sa Hongkong silang pamilya magdiriwang ng Pasko hanggang Bagong Taon dahil pagdating ng Enero 2013 ay ratsada na naman siya ng taping at shooting ng dalawang pelikula.

Bukas na namin ikukuwento ang nangyari sa show plus pictures, promise.

2 Comments leave one →
  1. November 27, 2012 6:05 am

    kawawa nman si dj wla na syang pahinga….:-(

  2. Cindy permalink
    November 27, 2012 11:25 am

    GraVeh busing-busY c DJ…pro sna nkapunta ako jn pra mkita kuna xa N pers0nal..jejejejeje WE LUV Ü DJ….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: