Skip to content

VICE, ALJUR laging magka-date, magdyowa na?

November 24, 2012

MARAMING bulung-bulungan for a while na nagbalak daw lumipat si Papa Aljur Abrenica sa ABS-CBN through Vice Ganda dahil may nakakakita raw sa kanilang nagdi-date.

What kind of date ba ang sinasabi nila? Date na parang magsyota? Saan sila nagkikita kung ganoon?

“Madalas daw sa Bliss si Aljur at pag nandoon na siya, iti-text niya si Vice Ganda para sumunod.

Mag-chill daw sila, inuman kumbaga.

Ang baklitang Vice Ganda naman daw ay sugod agad dahil in love na raw ito kay Aljur.

So, pag magkasama na sila, sweet silang dalawa – halakhakan. Very comfortable na sa isa’t isa. Di ba, pag ganoon na ang scenario, may something na.

For sure, hindi lang sila sa Bliss nagkikita, baka dumadalaw na si Aljur sa condo ni Vice or what,” anang isang intrigero.

Nagulat ako. Ang unang pumasok sa isipan ko ay totoo ba ito?

Kasi nga, alam ko that once in a while ay gumigimik si Papa Aljur sa Bliss kasi malapit nga ito sa bahay nila sa Quezon City.

Pero hindi naman madalas dahil sobrang busy ito sa work.

At sa pagkakaalam ko rin, si Vice Ganda would also go there to hang out with friends, pero mas madalas daw si Vice sa Guilly’s, minsan lang daw ito pumupunta ng Bliss.

Pero sabi ko nga, kung totoong nagkikita sila ni Vice  sa Bliss, eh, ano naman ang masama?

Magkaibigan siguro sila kaya I don’t see a problem with chilling out kasama ang mga kaibigan mo.

Hindi porke bading si Vice at guwapong lalaki si Aljur ay paghihinalaan nang may relasyon.

Halimbawa ma’y magsyota sila nang palihim, may magagawa ba tayo?

After all, malakas talaga ang appeal ni Papa Aljur sa badingding.

Kahit sinong bading ay mai-in love kay Papa Aljur, ‘no!

“Walang ganoon mama. Hindi totoo ‘yun,” text sa akin ni Papa Aljur.

Mama at Papa kasi ang tawagan namin ng super-baby kong ito.

Ha-hahaha! The height iyan ng pagkailusyunada ko kaya ganoon ang naging tawagan namin.

Kasi nga, comfortable din kami ni Papa Aljur sa isa’t isa – sobra!

“Ikukuwento ko sa ‘yo ang story tungkol diyan,” pangako ni Papa Aljur.

At nabanggit din sa akin ni Papa Aljur na walang lipatang magaganap.

Hindi totoong lilipat siya sa Dos, in the first place, wala namang offer ang ABS-CBN sa kanya and besides, nakapirma siya ng kontrata sa GMA 7 where he is being hailed as the prince.

Kung may kumakalat mang ganitong usapin about him wanting to join the Kapamilya network, hindi naman siguro masama pero malabong mangyari as of the moment.

Loaded naman siya ng work sa GMA kaya wala siyang dahilan para lumipat.

Going back to his sweetness kay Vice Ganda, masuwerte ngang maituturing si Vice kung sila na nga ni Papa Aljur.

Jackpot si Vice dito. Guwapo na, mabait pa.

Hayaan ninyo, iimbestigahan natin.

Ha-hahaha! Kung totoong sila na nga ni Papa Aljur, paano na ang sinasabi nilang basketball player na dyowa ni Vice?

Nasa backseat na lang? Puwede…

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: