Skip to content

‘Patay na si ALESSANDRA DE ROSSI! I hate her!’

November 24, 2012

Gustung-gusto nang mag-quit sa showbiz, naghahanap ng bagong trabaho

“ALESSANDRA de Rossi is dead!” Ito ang humahalakhak na dialogue ni Alex nang makachikahan siya ng entertainment reporters sa presscon ng bagong primetime series ng GMA 7 na Pahiram Ng Sandali.

Inamin ni Alex na dumating na siya sa puntong ayaw na niyang mag-artista.

Hindi na raw kasi siya masaya sa ginagawa niya kaya naghahanap na raw siya ng bagong magpagkukunan ng kanyang ikabubuhay.

Pero dahil marami pa nga raw siyang bayarin, hindi pa naman daw siya magku-quit sa showbiz soon, “Oo naman, definitely! Four years pa ang bahay ko, huwag kayong mag-alala!”

Mahirap daw i-explain kung bakit ayaw na niyang mag-artista, pero inamin niya na talagang mahirap ang trabaho sa showbiz.

In fairness, magaling na aktres naman si Alex kaya ang tanong, bakit siya nahihirapan? “Sana kung hindi pare-pareho ang ibinibigay sa akin, malalaman kong magaling akong aktres.

E, bilang iisa lang naman ang ginagawa ko, hindi na tuloy alam kung magaling ako o hindi, di ba?” pahalakhak pang tugon ning sisteraka ni Assunta de Rossi na nababad na nga sa pagiging kontrabida.

“Actually, ang iniisip ko na talaga ngayon kung ano ang pwede kong gawin kapag tumigil na ako sa pag-arte, “As in, talagang nag-iisip ako ng plan B sa buhay ko.

If ever naman, feeling ko naman connected pa rin siya sa showbiz, like puwede akong magsulat.

“Ngayon, ginagawa ko yung musical scoring ng ‘Death March’ ni Adolf Alix.

So, puwede akong malinya doon, puwede akong magpa-rent ng equipment, puwede akong mag color-grading…yung mga ganyan.

Pero artista talaga, parang out na ako,” diretso pang chika ng aktres.

Wala na raw makakapigil sa desisyong ito ni Alex pero aniya, wala siyang ibinibigay na eksaktong date para sa paglayas niya sa showbiz, “Hindi naman in four years.

Malay mo ‘yung four years, bumili pa ako ng villa.

O, paano yun? O, di twenty years to pay ‘yun, di twenty years pa ako. Kaya mo ‘yun?”

Pero in fairness, kahit daw ayaw na niyang umarte, kapag may project siya, ibinibigay naman niya ang kanyang 100 percent effort, “Ginagawa ko naman ‘yung trabaho ko with all my heart kasi mahal ko naman ang pag-arte.

Kung merong isang bagay na magaling ako, actually, kaisa-isa, iyon lang yun.

Next na yung driving. E, hindi naman ako puwedeng maging taxi driver, di ba?” tawa pa rin nang tawa si Alessandra.

May nagtanong naman sa kanya kung talaga bang kaya niyang talikuran ang pag-arte, ito ang nakakalokang tugon ni Alex, “Bakit naman hindi?

Nanay nga natatalikuran ang anak, e. Hello, hindi ko naman anak ito!”

At ito pa ang pasabog niya, “I love my job, I don’t like Alessandra de Rossi.

I don’t like her. Hindi ko siya type.

Wala siyang saysay na artista!” kasabay ng malakas na tawa.

“But I will always be around. Alessandra de Rossi is dead, Alessandra Schiavone is alive!” pahabol pang pasabog ng Kapuso actress.

So, gaya-gaya lang kay BB Gandanghari sa dialogue nitong, “Rustom Padilla is dead!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: