Skip to content

CARMINA: Never akong tinawag na sinungaling ng mga anak ko!

November 24, 2012

‘Di talaga invited si Ruffa sa kasal namin! – Zoren

MAY chance na ang publiko na mapanood ang surprise wedding na ibinigay ni Zoren Legaspi sa dating live-in partner na si Carmina Villaroel sa ABS-CBN ngayong Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Hindi rin nakalimutan nina Carmina at Zoren na humarap sa entertainment press para idetalye ang naganap na kasalan.

Maraming kwento si  Zoren kung paano niya inumpisahan ang pagpa-plano ng wedding, ang pakikipag-meeting niya with ABS-CBN executives hanggang sa hidden cameras na ipinagamit sa kanya ng Pinoy Big Brother.

Sa tsikahan ng press sa bagong kasal nabanggit din ang mga ex nila gaya nina BB Gandanghari at Ruffa Gutierrez.

Nagsimula ang tanong tungkol kay BB noong kausapin ni Zoren ang mga anak nila na sina Maverick at Cassandra.

“‘I thought you guys are married,’ ganoon siya,” umpisa ni Carmina. “Pero masaya, walang tampuhan. E, hindi naman sinabi sa akin ni Zoren  na kinausap niya ‘yung kambal, e.

Kasi nga masyadong mabilis ‘yung pangyayari kaya hindi na kami nakapagkwentuhan pa.

Tapos sabi pa ni Maverick,  ‘Because Tatay told us.

Tatay told everything.’ Tapos sabi pa niya, ‘But we know everything.’

“Kaya kung ano ‘yung sinabi niya, ‘yun din ‘yung sinabi niya sa akin.

Kaya parang isang shock ‘yun for me.

Na-amaze lang ako sa mga anak namin kasi mga bata sila pero in a mature way nila hinandel ‘yung mga bagay especially on my part.

Wala silang hinanakit, walang insecurities growing up.

Hindi nila sinasabing, ‘You’re a liar!’

Walang ganoon kaya everything was really perfect talaga,” pahayag pa ni Carmina.

Kilala naman daw ng mga anak nila si BB na dating si Rustom Padilla, “Kasi nga magkasama pa sila sa show at nainterbyu pa ni Zoren.

Tapos naalala ko pa ikinuwento sa akin ni Maverick noong nakita niya ‘yung hitsura ni BB, sabi niya sa akin, ‘Mom, that dude used to be a guy?’

“Ibig sabihin, sini-share ko lang kung gaano ka-light, kung gaano sila ka-relax.

Ibig sabihin wala nga silang hinanakit sa akin kasi nga very light, very casual lang ‘yung pagtanggap.

Ang tanong pa nga sa akin, ‘So, that used to be your boyfriend? Your husband?’ Ganoon.

Kaya nga ang sagot ko, (tumango na lang si Carmina). ‘So, now she’s a girl?’ (tumango lang ulit si Carmina).

Sabi naman na Maverick, ‘Okey.’ Ganoon lang.”

Tungkol naman kay Ruffa, hindi na raw inimbita ni Zoren ang ex-GF niya.

Hindi dahil baka matsismis lang kundi nalaman niya na may lakad din si Ruffa on that day.

“Hindi naman baka itsismis, baka ihinto niya, e. ‘Stop the wedding! Stop the wedding!” biro ni Zoren. “Erase, erase.

I didn’t bother na. Pero nag-congrats naman siya.

Sabi niya magpa-lechon daw ako sa set, ganoon lang.

Magkaibigan naman kami.”

At least, naklaro nila ang tungkol sa mga ex nila na parehong katrabaho pa ngayon ni Zoren sa isang teleserye ng TV5.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: