Skip to content

ERICH GONZALES binuking ni KRIS, engaged na

November 23, 2012

Engaged na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend. Ibinuking ni Kris Aquino ang Kapamilya actress sa kanyang morning show na Kris TV sa ABS-CBN kahapon.

Isa kasi sa mga guests ni Kris si Erich kahapon ng umaga, at nagsimula ngang mapag-usapan ang kanyang lovelife nang mag-comment si Melai Cantiveros, guest co-host ni Kris sa Kris TV, tungkol sa pagiging magaling na cook ni Erich.

Say ni Melai, pwedeng-pwede nang mag-asawa ang aktres dahil sa talent niya sa pagluluto.

Dito na nag-dialogue si Kris ng, “Eh may engagement ring na nga eh!” Natawa lang si Erich, hindi niya kinumpirma o dinenay ang pagiging engaged niya.

Basta ang nasabi lang ni Erich, sobrang saya ng kanyang personal life ngayon at inspired siya dahil sa kanyang special someone.

Pero inamin naman niya na dalawang taon na sila ng kanyang boyfriend at natanggap niya ang suot niyang diamond ring last year.

“Last year. More than a year na (kami). I met him two years ago and then we started as friends and then ‘yun, last year niya binigay (yung ring),” sabi pa ng aktres.

“I’m so blessed to have him,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Erich talagang mas pinili niya ang magkaroon ng non-showbiz na boyfriend dahil, “Mas peaceful, mas tahimik at walang gulo.

Ako na lang ang artista, huwag na lang siya.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: