Skip to content

JAKE handang iskripisyo ang lahat-lahat para kay LOVI POE

November 21, 2012

Ibang klase raw siyang magmahal ng babae

AYAW magsalita ni Jake Cuenca tungkol sa chikang nagbalikan na sina Lovi Poe at Ronald Singson.

May balita kasi na kaya raw hindi nila maamin-amin ni Lovi ang kanilang relasyon dahil ayaw pa rin daw tigilan ng dating kongresista ang Kapuso actress.

Say ni Jake sa isang interview, “Just ask her about those things na lang kasi ako naman I don’t want to talk on anyone’s behalf.

Kung ganu’n  ang tanong it’s better na manggaling na lang kay Lovi.”

Kamakailan ay inamin na ni Jake ang tunay na nararamdaman niya para sa aktres at sa tanong nga kung handa ba siyang isakripisyo ang lahat para lang sa babaeng mahal niya, “Oo naman.

Ako naman I think everyone deserves to be happy.

Everyone in life deserves to be happy. Ako ang unang taong magsasabing du’n ka kung saan ka masaya at kahit kanino naman.”

Pero sa kabila ng pagmamahal niya kay Lovi, mukhang pareho naman daw sila ni Lovi na hindi pa handa sa isang commitment, “I’ve been into so many relationships, I hate to say it pero lahat ng relationships na ‘yon nag-fail.

I did not regret any of my relationships pero I’m in the same process of getting to know myself pa rin.

By the time na kaya ko na, I assure you pag ako nag-commit ulit ‘yun na ‘yun, feeling ko ‘yun na ‘yon.”

E, si Lovi kaya handa nang magkaroon ng seryosong relasyon sa kanya?

“Again I don’t want to answer on her behalf pero basta she’s very busy.

We’re both very, very busy,” paiwas na sagot pa ng hunk actor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: